Wish 2

179 12 6
                                    

[Chantelle]
Kakatapos lang ng klase ko at ngayon ay pauwi na ako ng bahay pero dadaan muna ako sa park para magturo doon.

Lagi kong ginagawa ito after class, nagtuturo ako sa mga street children para matututo silang magbasa at magsulat.

Elle! Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Agad naman akong nataranta ng makita siya.

P-president! May kailangan ka ba? Gulat kong tanong dito.

Natawa naman ito sa akin. Shems! Ang gwapo! Wala naman, tsaka diba sinabi ko naman sayo na wag mo na akong tawaging president. Ikaw nga hindi ko tinatawag na vice eh! Nakangiti nitong sabi sa akin.

Syempre iginagalang kita no! Nakangiti kong sabi dito.

Sorry 'bout sa attitude ng pinsan ko sayo kanina. Paghingi nito ng paumanhin sa akin.

Hala! Hindi mo naman kailangan humingi ng sorry Axel. Sanay na ako sa pinsan mo. Sabi ko nalang sa kanya kahit kabaligtaran nun ang gusto kong sabihin.

Pauwi ka na ba? Tanong nito.

Uhmm... hindi pa eh, dadaan pa ako sa park. You know...para magturo. Tumango-tango naman ito sa akin.

Can I join you? Natigilan naman ako sa tanong niya at gulat siyang tiningnan.

S-Sure ka? Nakangiti naman itong tumango sa akin bago ako umpisahang hatakin palabas.
————————————————
Natapos ang tutorial namin at kami nalang ni Axel ang naiwan sa park.

Nag volunteer si Axel na siya ang magturo sa mga bata kaya hinayaan ko siya.

Habang pinapanood ko siya kanina habang nagtuturo ay lalo akong humanga sa kanya. Total package na kasi talaga si Axel! Sobrang boyfriend material niya. Napakaswerte ng magiging girlfriend niya.

Sabay kami ngayon na naglalakad palabas ng park. Ahhm... Axel paano mo nga pala nalaman kung saan ako nagtuturo? Curious kong tanong sa kanya.

I saw you last time na pumasok dito so I followed you and doon ko nalaman na nagtuturo ka pala dito. Nakangiti niyang sabi kaya tumango lang ako.

Sige Axel mauuna na ako. Salamat sa pagtulong sakin ngayon. Ingat ka. Nakangiti kong paalam sa kanya.

Naglalakad na ako papasok sa kalye namin ng mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaki.

Hay nako! Wala talaga siyang pinipiling lugar, pati ba naman dito sa kalye namin?

Kung hindi mo ititigil iyang pagbavandal mo ay isusumbong kita. Malakas kong sabi dito kaya naagaw ko ang atensyon niya.

Tss! Pakialamera. Walang ganang sabi nito bago itapon sa harap ko yung spray paint na ginamit niya. Nagsimula na itong maglakad paalis kaya napabuntong-hininga ako.

Hay! Jimmy Park.
————————————————
(Kinabukasan)
[Jimmy]
Tss. Badtrip! Badtrip!! Padabog akong sumakay sa kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis.

Agang-aga sermon agad ni Dad ang breakfast ko! Peste! Paano kasi niya nalaman na nag cutting classes ako?!!

Humanda talaga sakin ang nagsumbong kay Dad!!

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon