Wish 25

92 7 6
                                    

[Jimmy]
Ilang araw na ang lumipas mula nung araw na pumunta kami sa bayan ni Chantelle, simula nun ay naging iwas na ito sa akin.

May nagawa ba ako sa kanya?

Pinagmamasdan ko lang siya mula dito sa pwesto ko. Abala siya sa pag check-up ng mga pasyente. Matapos niyang icheck-up ang isang bata ay nginitian niya ito.

Natulala ako matapos kong makita ang mga ngiti niya.

Pamilyar talaga ang mga ngiti niya.

Parang...nakita ko na ito noon.

Naalala ko naman yung kinuwento ko kay Chantelle nung mga nakaraang araw.

(Flashback)
Chantelle, can I ask you a question? Sabi ko kay Chantelle habang kumakain kami ng lunch.

Sige ano ba iyon?

May kilala ka bang babae na naging close sakin noon sa school? Napansin ko naman na parang natigilan siya matapos kong itanong iyon.

Bakit mo naman natanong iyan? Seryoso niyang tanong sa akin.

Simula kasi nung nagising ako from coma palagi kong napapanaginipan ang isang babae. Hindi ko makita ang mukha niya dahil blurred ito at sa tuwing malapit ko na malaman ang pangalan niya ay doon naman ako nagigising. Tiningnan ko siya habang iniintay ang sagot niya.

Iniwas niya ang tingin sa akin. Sorry pero wala akong matandaan na naging close sayo dati.

Ganun ba. Malungkot kong sabi.

Sige mauna na ako Jimmy. May gagawin pa pala ako. Mabilis naman niyang niligpit ang kinainan niya at nagmadaling umalis at hindi na inintay ang sagot ko.

(End of Flashback)

Malakas talaga ang kutob ko na may tinatago sakin si Chantelle.

Kung ano man iyon ay iyon ang aking aalamin.
————————————————
(Day passed)
[Chantelle]
Pauwi na kami mula sa medical mission namin. Akala ko pag sumama ako dito ay matatahimik ako, na makakalimutan ko yung bagay na nagsisimula na naman bumalik sa akin.

Pero mali ako, nagkamali ako...

Dapat nung una palang umiwas na ako... pero hindi ko ginawa.

Dahil aminin ko man sa sarili ko o hindi alam kong naging masaya ako.

Natatakot ako sa maaring resulta ng ginawa ko, sobra akong nakokonsensya.
————————————————
Nang makarating kami ay agad kaming nagpaalam sa mga naging kasamahan namin.

Agad ko naman hinila ang maleta ko nang may tumawag sa cellphone ko.

Hon calling...

Hon? Pagsagot ko sa tawag nito.

Welcome back Hon! Masayang sabi nito mula sa kabilang linya.

Thank you Hon. Kababa ko lang mula sa service namin. Nasan ka? Puntahan kita. Nagiintay lang ako ng taxi ngayon. Nagpalingon-lingon naman ako nagbabakasakali na may dumadaan na taxi.

Uhmm... nasaan ako?? Susunduin yung girlfriend ko. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ha? Anon—

Tingin ka sa likod mo Hon. Agad ko naman sinunod ang sinabi niya. Bumungad sakin ang nakangiting si Axel habang nasa kanang tenga niya ang hawak na cellphone at nakapamulsa naman ang kaliwang kamay nito.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon