Wish 27

103 5 2
                                    

(Day passed)
[Chantelle]
Ilang araw na ang nagdaan hanggang ngayon ay wala parin akong balita kay Axel.

Nitawag, nitext wala akong natatanggap mula sa kanya.

Sobra na akong nag-aalala sa kanya.

Kanina pa ako paikot-ikot dito habang hawak ang cellphone ko. Gusto ko siyang tawagan ulit kaso nakakailang missed call na ako sa kanya pero hindi niya sinasagot.

Biglang nagring ang cellphone ko kaya naman mabilis ko itong sinagot without looking sa caller id.

Hello?

Chantelle. Mabilis naman tumibok ang puso ko matapos marinig ang boses niya. This is Jimmy. Pwede ba kitang makausap? Napahinga naman ako ng malalim.

Sige. Gusto din kitang makausap tungkol sa isang bagay. Sagot ko.

Okay. I'll text you the location. Matapos sabihin iyon ay binaba na niya ang tawag.

Agad naman akong nakatanggap ng text mula sa kanya about sa kung saan kami magkikita.

Mabuti nalang at malapit ito sa hospital. Agad ko naman hinubad ang hospital coat ko at binitbit ito. Buti nalang wala akong masyadong appointment ngayon.
————————————————
[Axel]
I saw her, mukhang paalis siya kaya naman agad ko itong sinundan.

Agad kumunot ang noo ko ng makitang tumigil ang sasakyan niya sa park malapit sa hospital.

Anong ginagawa niya dito?

Nakasunod lang ako sa kanya at napiling magtago sa isang puno dito.

Nakaupo siya sa park bench at malungkot na nakatingin sa paligid.

Aalis na sana ako dahil mukhang gusto lang niya makapag-isa ng mapansin ko ang isang pamilyar na lalaking papalapit sa kanya.

Si Jimmy.

Bakit siya nandito? Magkikita ba sila?

Sa kagustuhan kong malaman ang pag-uusapan nila ay nanatili ako sa pinagtataguan ko at pinakinggan sila.
————————————————
[Chantelle]
Nang makaupo ako dito sa park ay nagtingin-tingin ako sa paligid. May mga ala-ala ang bumalik sa akin.

Malungkot na ala-ala.

Kanina ka pa ba dito?napalingon naman ako matapos may magsalita sa likod ko kaya naman tumayo na ako sa pagkakaupo ko.

Hindi naman. Nanatili itong nakatayo sa harap ko at may seryosong expression. Didiretsuhin na kita Jimmy, ikaw ba ang nagsabi kay Axel na magkasama tayo sa medical mission? Seryoso kong tanong dito.

Oo. Maikling sagot nito.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Ano bang kailangan mo?!! Bakit mo ginawa iyon? Kung tungkol ito sa tinatanong mo sa akin, WALA AKONG ALAM! Inis na sabi ko habang binibigyang diin ang huling sinabi ko.

Natigilan ako ng makita ko ang expression ni Jimmy. May bakas ng lungkot at sakit ang mga tingin niya sa akin. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Talaga???wala kang alam? Sigurado ka ba Rae? Muli kong binalik ang tingin ko sa kanya, gulat lang ang tanging reaksyon ko.

J—Jimmy, nakaka—

Oo. Seryoso niyang sagot. Bakit Rae? Bakit mo nagawang magsinungaling sa akin? Bawat salita na sinasabi ni Jimmy ay mababakas mo sa kanya ang sakit at lungkot. Nangako ka diba? na sa pag gising ko nasa tabi kita.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon