Wish 24

86 4 27
                                    

[Chantelle]
Kadadating lang namin dito sa condo ko after ng 2 weeks naming bakasyon.

Hon, nagugutom ka ba? Gusto mo magluto ako? Tanong sakin ni Axel at isa-isang nilapag ang mga maleta ko.

Umiling naman ako sa kanya. Alam ko ding pagod siya sa byahe.

Magpadeliver nalang tayo Hon. Alam kong pagod ka din sa byahe. Sagot ko at pabagsak na nahiga sa sofa.

Sige. At nagsimula na itong magtipa sa kanyang cellphone.

Pinikit ko sandali ang aking mata para umidlip sandali. Ngunit agad ko din itong namulat dahil sa mga ala-alang sumasagi ngayon sa isipan ko.

Hon!! Nabalik naman ako sa aking sarili ng marinig ang malakas na tawag sakin ni Axel. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Are you okay? Kanina pa kita kinakausap kaso mukhang malalim ang iniisip mo.

I'm sorry pagod lang ano ba iyon? Siguro kailangan ko na talagang mag focus at iwasan ang pag-iisip ng kahit anong tungkol sa nakaraan.

Sabi ko I ordered pizza and chicken wings. Okay na ba yun or may gusto ka pang idagdag? Nakangiting sabi ni Axel kaya naman umiling ako at napangiti sa kanya.

Okay na iyon. Thanks Hon. Tinabihan naman ako ni Axe at sinimulang imasahe ang ulo ko habang nakahiga ako sa lap niya.

Sure kang okay ka lang Hon. Mukhang malalim yung iniisip mo kanina? May problema ka ba? Malambing na tanong nito.

Wala naman. Pagod lang talaga ako Hon. Don't worry about me.

Syempre, hindi ko maiwasan yun Hon. Hindi ko pwedeng ipasawalang-bahala lahat ng tungkol sayo. Malay ko bang iniisip mo ng umatras sa kasal natin. Napamulat naman ako mula sa pagkakahiga ko sa lap niya at mabilis na bumangon at hinarap siya.

Axel. Nagbababala kong tawag sa kanya.

Natawa naman ito ng mahina. Nagbibiro lang ako Hon. Seryoso ko siyang tiningnan.

Hindi magandang biro iyon Hon. It will never happen.

Okay, okay, Hon. Hindi na po. I'm sorry wag ka na magalit. At lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

Hanggang ngayon kasi ay malakas pa din ang tibok ng dibdib ko. Kinabahan ako sa biro ni Axel.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko gulong-gulo na ako.
————————————————
(Days passed)
Ilang araw na ang lumipas at balik na ulit kami sa trabaho. Busy ako sa pag scan ng mga result ng pasyente ko ng kumatok na yung nurse na katulong ko sa pag rounds.

Kaya naman tumayo na ako at lumabas ng office ko.

Habang papunta na kami sa mga rooms ay may nakasalubong akong pamilyar na tao.

Chantelle. Masayang bati nito.

Jimmy... anong ginagawa mo dito? Kunot-noo kong tanong.

May binisita lang akong kaibigan. Dito ka pala nagtatrabaho? Tumango lang ako sa kanya.

Are you on duty? Free ka ba for coffee? Lumingon naman ako sa nurse na nasa likod ko kaya napatingin na din sa kanya si Jimmy. Oh! I see busy ka pala. Nahihiyang sabi niya sabay hawak sa batok niya.

Hindi parin pala niya naalis yung mannerism niyang iyon.

I need to do my rounds. Maybe... next time. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Kasasabi ko lang nung nakaraan na iiwasan ko na ang mga bagay na nagpapa-alala sa nakaraan.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon