(One month passed)
[Jimmy]
Isang buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang pagkawala ng ama ni Rae, hanggang ngayon wala parin siyang idea na nagrant ko na ang second wish niya.Naging abala si Rae nitong mga nagdaang araw kaya hindi ko muna pinaalam sa kanya. Mababakas parin sa kanya ang kalungkutan kahit na pinapakita nito na matatag siya.
Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ni Rae. Nakatulugan na naman kasi nito ang pag-aaral. Pinagsasabay niya na kasi ngayon ang pag-aaral at pagpapart-time job niya.
Lumapit naman ako sa kanya at mahinang tinapik ang ulo niya, mahimbing na ang pagkakatulog nito kaya naman pinagmasdan ko siya.
Be strong Rae. Mahina kong sabi sa kanya bago ko siya buhatin papunta sa kwarto niya.
————————————————
(Kinabukasan)
Pinagmamasdan ko si Rae ngayon habang abala itong ayusin ang gamit niya sa school.Bakit hindi mo ako ginising Jimmy? Alam mo naman na hindi ako pwedeng malate dahil bukod sa SSC vice-president ako ay naghahabol din ako ng grades ko. Mahina niyang tanong sakin.
Mag thank you ka nalang dahil hindi ko inabala ang masarap mong tulog. Nakangisi kong sabi sa kanya.
Sinamaan niya lang ako ng tingin sabay nguso niya. Pfft... cute.
————————————————
[Chantelle]
Nakakainis muntik na akong malate, si Jimmy kasi eh! Hindi ako ginising manlang.Isang buwan na ang nakalipas magmula ng mawala si Papa. Matagal na pala niyang nililihim samin ang karamdaman niya. Simula nang mawala si Papa, si mama na ang nagtrabaho para sa amin kaya naman nagpasya ako mag part-time sa isang restaurant para makatulong kay mama sa ilang gastusin ko sa school. Kahit naman scholar ako ay may mga personal expenses parin ako.
Cha ipapahiram ko sayo ang notes ko para makatulong sa paghahabol mo ng grades. Sabi sakin ni Annalize, isa din si Anna sa taong umalalay sakin nung mga panahon na nagluluksa ako kay papa.
Salamat Anna. Ipapaxerox ko lang siya para mabalik ko agad sayo. Nakangiti kong sabi.
Psh! Hindi ko maintindihan, hindi mo naman kailangan maghabol ng grades dahil heller!! Ikaw kaya ang top 1 sa buong JP International. Naiiling na sabi niya.
Psh! Hindi kaya ako kundi si Jimmy.
Syempre hindi naman ako pwede makampante, scholarship ko ang nakasalalay kung sakaling hindi ako maging consistent sa grades ko. Sagot ko kay Anna.
Tanggapin mo na kasi yung offer ni mommy. Pangungulit nitong sabi sa akin.
Nag offer kasi ang nanay ni Anna na isponsor ang pag-aaral ko, tatanggapin ko naman yung offer ni tita kaso naisip kasi namin ni mama na sa college ko nalang ito gamitin dahil mas kailangan ko ito dahil hindi namin kakayanin ang pag-aaral ko sa college lalo na't magastos ang natitipuhan kong kurso, nakadagdag pa na nawala si Papa sa amin.
Nginitian ko nalang si Anna kaya napanguso ito. Wag mo ako ngitian ng ganyan, alam ko ang ibig sabihin niyan, sasabihin mo na naman na sa college mo nalang tatanggapin. Wag ka na kasi mahiya kina Mommy at Daddy para ka na din nilang anak. Patuloy nitong pagpupumilit.
Alam ko naman yun Anna kaya nga ayaw ko na isipin nila Tita na inaabuso ko ang kabaitan nila tsaka desisyon din namin ni Mama na sa college na namin tatanggapin ang sponsorship, at pumayag naman si Tita. Tanging sagot ko sa kanya.
Hindi na nangulit pang muli si Anna kaya pinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko.
————————————————
Tapos na ang klase namin pero nandito pa din ako sa school dahil nag advance reading ako ng next lesson namin. Nandito ako sa garden malapit sa open field kung saan madalas ako tumambay pag kasama ko si Jimmy dahil madalang ang taong dumadaan dito.
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasy•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon