(2 days passed)
(3rd day)
[Jimmy]
Tatlong araw ko nang napapansin na parang may kakaiba sa kilos ni Rae. Pag tinanong ko naman siya ang lagi niyang sagot ay walang problema at okay lang siya.Kakatapos lang ng general practice namin sa graduation at bukas na ito gaganapin.
Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa tagong pwesto sa park. Kanina pa tahimik si Rae at mukhang malalim ang iniisip.
Ano ba kasi ang iniisip niya? Hindi ako t*ng* para hindi mapansin na may mali sa kilos niya. Nagsimula ito nung umuwi siya ng gabing-gabi noon.
Hindi kaya!... hindi niya nakuha ang top 1??
Rae. Tawag ko dito. Nilingon niya ako pero hindi naman siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko. Alam kong nalulungkot ka ngayon sa nangyari pero baka may magandang plan para sayo kaya nangyari iyon. Wala parin siyang reaction sa sinabi ko. Napabuntong-hininga naman ako.
Okay lang iyan Rae, kung hindi mo nakuha ang top 1, para sa akin ikaw parin ang top 1. Nakangiti kong sabi.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong hilahin at yakapin ng mahigpit.
Bakit pakiramdam ko may ibang dahilan si Rae?
————————————————
[Chantelle]
(2 days ago)
(Flashback)
Ikalawang araw na bago ko tuluyang bitawan ang huling kahilingan ko.Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya.
Nagpasya akong dumalaw sa katawan ni Jimmy. Hindi ito alam ni Jimmy.
Wala pa rin siyang ideya sa kung anong maaring mangyari sa kanya.
Nang makapasok ako. Nanatili pa din siyang mahimbing na natutulog. Maaliwalas ang mukha nito walang bahid ng pag-aalala.
Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
Jimmy... nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko. Patawarin mo ako kung hindi ko na matutupad ang mga pangako ko sayo. Hindi ko na magagawa ang mga bagay na pinangarap natin ng magkasama. Sandali ako tumigil para pahidin ang mga luha ko kaya lang patuloy pa din itong tumutulo. Sana maintindihan mo ang gagawin ko, para sayo ito Jimmy. Makalimutan mo man kung sino at ano ako sayo, lagi mong tatandaan kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita Jimmy. Matapos kong sabihin iyon ay tumayo ako sandali at hinalikan siya sa noo.
Nang makalabas ako ng kwarto ni Jimmy ay siya naman bukas ng pinto ng nanay niya.
Nagulat ito ng makita ako, hindi ko alam kung ano itsura ko ngayon dahil sa pag-iyak ko kanina.
Diba ikaw yung nagturo sa akin para mahanap si Axel? Kunot-noong tanong nito sa akin.
Tumango naman ako sa tanong niya. Kaibigan ka din ba ng anak ko? Tanong muli nito sa akin.
Kaibigan?? Kahit gustong-gusto kong sabihin na higit pa sa kaibigan ako para kay Jimmy ay hindi ko magawa.
Dahil sa oras na bumalik si Jimmy, isang hamak na schoolmate at kaibigan nalang ako.
Pilit akong ngumiti sa kanya. Opo, dumalaw lang po ako kay Jimmy. Tinitigan naman ako ng mommy ni Jimmy.
Ganun ba. Salamat sa pagdalaw sa anak ko. Nakangiting sabi nito sa akin.
W—wala po iyon. Sorry po pero mauuna na po ako, may pupuntahan pa po kasi ako dumaan lang po talaga ako dito. Pagdadahilan ko nalang bago tuluyang nagpaalam.
(End of Flashback)
(A/N: please play the video below. Super bagay niya sa scene.)
![](https://img.wattpad.com/cover/182862831-288-k143860.jpg)
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasy•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon