Chapter One

5.3K 97 2
                                    

01 - Everyday

I still remember clearly what happened that day. That was my first time to confess to a guy I like, and it is also my first time to get rejected. I'm hurt.

I also remembered how I tried to smile at Zoey, trying to conceal the pain I'm feeling. Gusto na talagang umuwi noon para lang umiyak sa kwarto ko pero buti na lang at napigilan ko.

Pero sabi nga nila, hindi ka naman matututo kung hindi ka masasaktan. And you will not reach your goals if you will quit. So I decided that I will take a break first and after that I will do everything to make Zavi fall for me.

After that encounter with Zavi, hindi na ulit kami nagkita. Since he's living in his own condo and busy with his work, wala talagang pag-asa.

We are now a freshman in college. Isang buwan na rin kaming nagsimulang mag-aral. Hinihintay ko lang si Zoey since nauna na akong nakarating dito school.

"Thalia!"

Napalingon ako kung saan sinigaw ang pangalan ko. Agad naman akong napangiti nang nakita ko si Zoey na papalapit sa akin.

Nang makalapit siya ay agad niya akong bineso at nakita ko nanaman ang ngiti niyang parang may binabalak na masama. She held my hand and squealed. I laughed at her.

"Ang saya mo ata." Sabi ko sa kanya na mas lalong nagpalawak ng mga ngiti niya.

"Mommy told me to visit Kuya in the company because she miss him so much. Gusto niyang kumbisihin ko si Kuya na umuwi muna kasi antagal na akong kinukulit ni Mommy." Paliwanag niya at nakita ko na naman ang mapang-asar niyang ngiti na nagdulot sa akin ng matinding kaba.

"And I insisted that I should bring you with me!" Tili niya habang yugyog sa hawak niyang braso ko.

Pagkarinig ko noon ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"Ha? Ano ka ba naman, Zoey! Ayoko!" I saw her forehead creased at my sudden answer.

"Ayaw mo? Akala ko ba crush mo si kuya? Ito na, girl, pagkakataon mo na 'to!"

Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero ito ang magiging una pagkatapos mangyari noong kaarawan niya. I feel humiliated with what he told me. Nahihiya akong magpakita sa kanya dahil baka ganon na naman ang salubong niya sa akin.

"Hindi naman-"

"Iyon naman pala eh, so, halika na at punta na tayo sa room para matapos na at makikita na natin ang crush mo!" Putol niya sa sasabihin ko sana at hinili na ako papunta sa building namin.

This day, we have three subjects and kahit ayaw kong tumagal dito sa room na nakikinig sa lectures ay hindi ko maiwasan.

I almost wished that the time would stop ticking dahil kinakabahan na ako sa susunod na pupuntahan namin ni Zoey.

As soon as I saw my last professor for this day fixing her things on the table, ay mas dumoble ang kaba ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Goodbye, class." Our professor walked out the door, and I fixed my things.

Pagkasara ko ng bag ko ay ang pagsulpot ni Zoey sa tabi ko. She tugged my hand, and we exited from the room.

I saw Zoey got her phone from her bag and called someone. Pinanatili ko na lang ang tingin ko sa mga estudyanteng naglalakad sa campus.

"Hello, Jax. I'm sorry it took me too long to call you. Where are you?" Dinig kong sabi ni Zoey. Hindi ko na lang pinansin at inabala ko na lang ang sarili ko patingin tingin sa paligid.

Gone with the Wind (Upper East Side Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon