Chapter Thirty

3K 43 10
                                    

30 - Gone

"Hindi ka ba tutuloy sa mansyon niyo?" I asked when he pulled over in front of their property.

He glanced at me. Hindi ko makayanan ang titig niya kaya agad akong nagbaba ng tingin.

"No." He answered with his lowered voice. When I heard the click of his car, I immediately pushed the door.

Sinulyapan ko siya at kahit kinakabahan ay lumapit ako sa kanya at nilapat ang labi ko sa pisngi niya. My heart beat faster than usual.

"S-Sige... good night, Zavi. Ingat ka." Sambit ko saka ako bumaba sa sasakyan niya.

Binati ko si Manang Thelma pagkapasok ko sa mansion nila. I feel weary that I immediately went to Zoey's room. I'm staying there with her.

"Hinatid ka ni kuya?" Tumango naman ako sa kanya at nanghihinang napahiga na lang sa kama niya.

"May ginawa ba siya sa'yo?" Tumaas ang boses niya dahil sa pagiging tahimik ko.

"Wala." Totoo naman, he didn't do anything which hurts the most. Parang bumalik siya sa Zavi na una kong nakilala. Walang pake sa paligid. Walang pake sa akin.

I slept with a heavy heart. But when I woke up, I pushed away my worries because I wanted to start my morning right.

I decided to go to their company and visit him. Sana hindi siya busy at isasakto kong lunch time para hindi ako makaistorbo aa trabaho niya.

I asked Manang Thelma to help me prepare his lunch. Natuwa naman siya sa akin at sayang-saya habang tinuturuan ako sa pagluluto.

"Salamat, Manang." Ngiti ko sa kanya na sinuklian naman niya.

"Oh, siya. Ika'y gumayak na." Nagpaalam na rin ako sa kanya at pumunta sa silid ni Zoey.

"Alis na ako. I'll be back later." Paalam ko kaya Zoey. She squinted her eyes at me and down to the paper bag I'm carrying.

"Punta ka kay kuya?" I nodded at her. "Okay, lalabas din kami ni Blaze so baka mayang gabi na tayo magkita." Masayang sabi niya.

I waved goodbye at her. Agad akong sumakay sa sasakyan nila at hinatid ako ng driver nila sa kumpanya.

"Salamat po." Sabi ko sa driver pagkababa ko.

Nginitian ko si Kuya Rigo nang makita niya ako. Diretso na rin ako papunta sa 46th floor kung saan ang opisina ni Zavi.

I went inside, and his secretary stood up quickly when he saw me. "Where's Zavi?"

"Nasa conference room pa si Engineer, Thalia. Pero tapos na. Papunta na siguro siya ngayon dito pinauna lang ako."

"Okay, uh... hintayin ko na lang siya sa loob." He nodded and opened the double doors for me.

Agad akong tumayo nang makitang pumasok si Zavi sa opisina niya. His eyes landed on me and on the paper bag that I'm holding. Mukhang hinihintay niyang sabihin ko kung ano iyon dahil sa tingin na iginawad niya sa akin.

"Uh... nagpatulong ako kay Manang Thelma magluto ng... lunch mo." Sabay lahad nito sa kanya.

Because of his broad frame, I didn't notice the girl Engineer behind him. I just acknowledged her presence when she talked.

"Lunch? We had lunch together earlier."

Agad akong pinagsukluban ng damdamin nang marinig ko ang sinabi niya. The jealousy crept up inside me and I can't seem to shake it off.

Humigpit ang hawak ko sa paper bag at nagbaba ng tingin. Bakit sila magkasama? At bakit pa siya sumunod dito kasama si Zavi?

"Engineer Suarez, may you excuse us for a while?" It was Zavi.

Gone with the Wind (Upper East Side Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon