Chapter Two

4.4K 83 1
                                        

02 - Boss

Pagkatapos ng dinner na 'yon ay nagdecide na akong ipakita talaga kay Zavi ang totoong nararamdaman ko.

Tita Cassy insisted for Zavi to bring me home. Since he'll not be staying here in their mansion, ay uuwi siya sa kanyang condo.

"Tita, it's okay po. I can commute naman po." Tanggi ko sa alok niya.

Gusto ko man na ihatid niya ako ay hindi ako pumayag. I know he's tired from work. Buti pa nga at dinalaw namin siya dahil baka hindi pa siya nakakauwi ngayon kung sakaling hindi siya napilit ni Zoey na pumunta dito.

I want him to rest and saka ko na siya aabalahin. Napangiti naman ako nang lihim sa naisip ko.

"It's okay, Mom. I can take her home." Namilog naman ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya.

Hindi na ako nakatutol nang higitin niya ang palapulsuhan ko at sinama palabas ng mansyon nila.

"Thank you po, Tita at Tito." Sabi ko na lang sa mga magulang niya bago pa ako makalabas sa bahay nila.

Nakita ko pa ang nang-aasar na ngiti ni Zoey habang nakatingin sa amin ng kuya niya at ni Blaze naman na nakatingin sa nakangiting si Zoey.

As soon as we were in front of his car, ay nilingon niya ako. I smiled playfully at him.

"Ikaw ha, gusto naman palang hawakan ang kamay ko. At gusto mo pa pala akong ihatid. You can ask naman, Zavi. I'll say yes." Asar ko sa kanya na nagpakunot sa noo niya.

"I just dragged you there because I'm tired, and I want to go home now. If I stayed there, it would just waste my time." Dahil sa sagot niya ay napasimangot ako.

Binuksan niya ang pintuan at pumasok na ako. Kahit kinikilig ako sa ginawa niya ay naiinis pa rin ako.

"What?" He asked when he saw me glaring at him.

"Ikaw! What's wrong with being there? They missed you tapos ikaw gustong-gusto mo na palang umuwi. Bakit ka pa pumunta dito kung hindi ka naman gustong makita sila?" I argued.

Nakakainis kasi siya! Swerte pa nga niya at merong nakakamiss sa kanya. Merong naghahangad na makita siya.

Pero ako? Ilang taon na akong nahihintay pero hindi pa rin ako hinahanap ng taong iyon. Siguro hindi niya talaga kami mahal.

"I'm sorry. I'm just tired, and I don't feel well." Kung nagulat man ako sa pagsosorry niya ay mas nagulat naman ako sa huli niyang sinabi.

I reached his face and put the back of my palm on his forehead. He's hot! I mean mainit nga siya.

"It's okay. Pero sana sinabi mo sa kanila para na rin hindi ka na umuwi at doon ka na lang nagpahinga." Sambit ko sa kanya. Nakonsensya naman ako sa pinagsasabi ko.

"I can't just leave you there. Our drivers were not around because they ran some errands. And it's hard to catch a taxi here when it's night. Where do you live?"

Nanatili lang akong natitig sa kanya. Hindi niya raw ako kayang iwan doon? Thalia, ito na ata ang sign na hinihintay mo.

"Hey." His low baritone voice snapped me out of my thoughts. Mula sa pagkakatulala ay namula naman ang mukha ko.

Sinabi ko naman an address ko sa kanya. Muli na namang tumahimik pero hindi ko maiwasang isipin ang sinabi niya kanina. Kahit may rason siya ay hindi pa rin sapat 'yon para hindi ako umasa.

Nang makarating kami sa bahay ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Who's with you?" He asked.

Gone with the Wind (Upper East Side Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon