Chapter Seventeen

2.6K 51 4
                                        

17 - Busted

Kahapon pa hindi nagrereply si Zavi. I understand if he's busy last night but today, it's unusual for him not to reply to my texts.

Well, baka talaga ngang marami siyang ginawa kaya hinayaan ko na lang.

Maaga akong nagising kanina at hindi ko na rin makuha ang tulog ko. I am always like this when something's bothering me. Para akong kinakabahan at maraming iniisip kaya nawawala ang antok ko.

I checked mommy in her room and I smiled when I saw her sleeping peacefully. Mabuti na rin at nakapagpahinga siya dahil lagi na lang siyang pagod at puyat sa trabaho.

I went back to my room and set up my work. Magpe-paint na lang ako hahang inuubos ko ang oras para pumunta na kila Zavi mamaya.

I always feel free and contented when I am painting. It relieves me from stress and worries. Kaya lalo na kung wala akong ginagawa ay ginugugol ko talaga ang oras ko sa pagpipinta.

"Mommy, pupunta po ako kila Zavi mamaya." Napatingin siya sa akin at napangiti kaya hindi ko rin naiwasan na ngitian din siya.

He knew Zavi as well as my affection for him. Natuwa nga siya noon dahil na rin daw may naipakilala akong lalaki sa kanya nagugustuhan ko.

"Bibisita ka na naman doon sa crush mo." Tukso niya. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Mommy naman eh." Natawa na man siya sa sinabi ko.

"Sige, anak. Sabihan mo rin si Zavi na kung pwede ay pumunta dito para na rin makilala ko siya." My eyes widened when I heard what she said.

"What? Mommy, ayoko!" I exclaimed.

"Sige na. Para na rin makita ko kung ano ba ang nagustuhan ng anak ko sa kanya." She held my cheek and smiled at me.

"Mommy, nakakahiya. At saka busy siya baka wala siyang time." I reasoned out.

It's not that I don't want him to meet my mom but I feel like we are not on the right track for him to meet my mom.

Wala kaming relasyon na masasabi ko talagang totoo. Yes, I can't help but assume everything he does for me. However, I don't want him in the position where he thinks I'm taking things too fast.

"Kung kailan na lang hindi siya busy. Naiintindihan ko naman ang trabaho niya." She smiled but it didn't reach her eyes.

She's thinking about him again. I am too young back then to understand everything. But now that I am aware of almost everything, I can't help but feel sad for her. Lagi iyan tuwing nakikita ko si mommy na malungkot.

Nawalan siya ng oras kay mommy. Nagawa niyang hindi ipaglaban si mommy. And the worst part, he left her. The man who my mom loved too much, left her. No, he threw her away. Back to her homeland, all alone to raise me.

Kaya rin naramdaman ko ang lahat ng galit nang mamulat ako sa reyalidad kung bakit wala akong ama. Kaya nang malaman kong iniwan siya at pinabayaan mag-isa, I resented from him.

I hate him to the core. He left my mom. And he left me. And he doesn't have the right to see me carrying his name. That's why I didn't feel sad but free when I decided to change my surname to my mom's.

Walang nakakaalam niyan kundi kami lang ni mommy. Ayoko na ring sabihin sa iba kahit kay Zoey dahil ayoko nang ungkatin ang nakaraan. Zoey only knows that that man left us.

"Mommy." I held her hand. Pinalis niya ang lungkot sa ngiti niya at pinalitan iyon ng totoong ngiti na parang walang iniisip na nakakasakit.

"Alis na ako, anak." She said, diverting the topic and stood up.

Gone with the Wind (Upper East Side Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon