31 - Forget
I felt his hands trying to break free from my hold, but I am hardheaded. I shook my head on his lean chest while crying.
"Thalia, let go." Natatakot man ang kanyang boses ay hindi ko pa rin siya pinakawalan. I just hugged him tighter.
"No. No. Zavi, I don't want to. Please, don't." Patuloy ko sa pagmamakaawa sa kanya.
"I'll follow everything you want. But not this one. Please, Zavi. Please, don't tell me to let you go. I love you... Zavi. I don't want to let go..."
Hindi ko na pinansin ng mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Hindi ko na inisip kung anong itsura ko habang nagmamakaawa sa kanya.
Nagmamakaawa sa kanyang huwag hilingin sa akin na pakawalan siya dahil hindi ko makakaya.
Hindi matigil ang pag-iyak ko at mas lalo pang lumakas nang hawakan niya ang mga kamay kong nakapalibot sa kanya upang tanggalin ito.
"Zavi, no. No, Zavi. Don't do this... please. I'll be good. Please, I don't want this. Zavi, please..." Iyak ko.
Nang napagtagumpayan niyang alisin ang aking mga kamay sa kanya, I immediately clung my arms around his neck and buried my face there.
Nakatingkayad ako dahil hindi ko siya abot. I didn't care kung mangawit man ako dito basta ang importante nandito siya. Yakap ko siya at hindi siya aalis.
"Thalia, don't make it harder for the both of us. Just let me go..." He said, but I shook my head. I managed to talk to him kahit ganito ang lagay ko.
"Zavi, masaya naman tayo hindi ba? I love you so much. I know hindi mo pa ako mahal pero sabi ko naman na maghihintay ako hindi ba? Maghihintay ako, Zavi... Hindi ako pagod. Hinding-hindi ako mapapagod pagdating sayo."
Ano pa ba? I ran out of reasons why he's acting like this. May nagawa ba ako? I don't know what to think anymore. I'm so scared that Zavi and I will be back from the start again.
Akala ko kasi malapit na. Akala ko kasi mamahalin na niya ako. Konting tiis na lang naman na kaya akala ko okay kaming dalawa. Akala ko talaga. Akala lang pala.
"Zavi, maghihintay ako. I'm very willing to wait... Zavi, please. Stop this... Please."
"That was just a mistake, Thalia." I stood frozen in my place. I think he felt how my body went frigid.
"What?" Halos pabulong kong tanong. Kinalas ko ang mga kamay ko sa kanya at hinarap siya. Hinawakan ko na lamang ang kanyang mga kamay.
I don't understand what's happening. Bakit ganito? Bakit siya ganito gayong masaya naman kami noong nakaraang araw kahit nagkatampuhan.
At ilang araw lang naman kaming hindi nagkita. Sa araw na hindi ko siya kasama ay nandoon ako sa hospital kasama si Mommy.
"Zavi, bakit ka ba ganito? Masaya naman tayo hindi ba? You said I am your dream, right? You told me I am yours. That you'll never lose me... It was okay for me even though you're not still in love with me. It was fine with me. Am I too clingy? Immature? Tell me, and I'm very willing to change it. Huwag ka namang ganyan. You're scaring me."
Hindi ko na alam kung ano pa ba ang pwede kong sabihin sa kanya para magbago ang isip niya. Ano ba itong nangayari?
Basag na basag na ang boses ko marahil kagaya na nito ang puso kong paulit-ulit nalang nasasaktan dahil sa pagmamahal ko kay Zavi.
But I know that even though he's causing me too much heartache, deep within me that I will gladly open my arms wide for him because it will always be him. It will always be Zavi.
BINABASA MO ANG
Gone with the Wind (Upper East Side Two)
General FictionThey say that one sided love is the purest of all. I love him without the guarantee of him loving me back. I love him more than I ever love myself. It was okay for me giving my all without expecting anything in return. I am just here loving him with...
