2

90 16 10
                                    

Chapter 2 : Bible Study

Nagwawalis lang ako sa Principal's office kasi dito ako na-aasign nang may biglaan na lamang nagpakita na maliit na tao sa mesa. Si dewending Rauk!

"Magandang umaga, Red!" wika niya at mabilis kong isinara ang mga bintana at pinto ng office at baka may makakakita sa dewending ito.

Ano ba kasing ginagawa ng dewending ito dito? Halos dalawang taon ko na itong hindi nakikita mula nong nasa Manila pa ako at ngayon ano kayang pumasok sa isipan niya at nagpapakita ito?

"Anong kailangan mo Rauk?" nakasuot ito ng kulay green na mala-Santa Claus na kasuotan at may pointed hat sa ulo niya.

"Baka nakalimutan mo ang utang mo sakin, Red!"

"Anong utang?"

"Ang mga hiniram mong sangkap sa akin noon! Sabi mo papalitan mo!" hindi halatang galit ang dewending ito dahil sa kaliitan niya.

Sangkap? Oo nga pala!

Sakanya ako humingi ng sangkap sa mga ginawa kong gayuma noon. Palagi kong sinasabi sakanyang papalitan ko lang pero wala naman akong pamalit. The spices for the love potion are rare to find.

"Akala mo hindi kita makikita no?" sigaw niyang maliit, "Hinanap kita sa loob ng dalawang taon at ngayon ko lang nalaman mula sa kaibigan kong mula sa Biringan na nandito ka lang pala sa Samar! Ngayon hindi ka na makakatakas sa akin!" idinuro niya ako.

Gusto kong matawa dahil galit siya, tapos ang cute niya. Tinawanan ko lang siya.

"Excuse me? Ang tagal na non ah? Kalimutan mo nalang yun! Friends nalang tayo!" biro ko sakanya. At sa tingin niya makakahanap ako ng mga sangkap bilang kabayaran sa utang ko noon? Eh bobo rin eh.

"Pagbayaran mo yun o dadagdagan ko ang mga sumpa ng Harra sayo!" pananakot niya sakin.

I touched his hips with my small fingers and I can't help but laugh at his reactions.

"Kalimutan mo na yun," malambing kong sabi, "Kaibigan nalang tayo! Alam mo namang hindi ako makakahanap ng ganung mga sangkap eh!"

I'm so soft towards him but he's very serious and angry.

"Pagbayaran mo ang mga utang mo o lalagyan ko ng mga tagyawat ang mukha mo para lalo kang pumangit! Oh ano?" pananakot niya.

Hindi ko alam kung bakit natakot ako ng konti. Kaibigan kami noon ng dewending to pero alam kong tapat siya sa mga sinasabi niya.

"Sige aalis na ako! Babalik ako bukas! Huwag mong kalimutan ang utang mo!" and he disappears.

Isa lang naman ang hiniram ko sakanya. But I forgot the name of the spice! But I'm sure that it is an italian spice!

Pagkatapos kong maglinis ay pumunta ako sa library para magsearch ng mga italian spice. Nakalimutan ko kasi ang pangalan non. Nakakainis talaga ang dewending yun pwedi namang kalimutan niya na lang pero I remember na ganun talaga ugali non.

May computer sa library na libre lamang kung academic-related ang isesearch ko. I am turning on the AVR and waiting for the computer to process when a group of students entered the library.

Ang mga grupo ni Cain!

Bigla na lamang uminit ang ulo ko dahil nandito na naman iyang mga adik niyang grupo!

Unang lumabas ay si Denis kaakbay ang gf niyang malandi at sumunod ang iba niya pang kasama. At itong si Cain ang huling pumasok. At nagtama ang tingin namin.

Sa ngayon, may earring na ang left ear niya at ang gulo-gulo ng buhok niya. He is so hot because he opened his uniform showing his gray shirt inside and he is sweating. Pero kahit na gwapo siya ang sama parin ng ugali niya.

The Lips Of Red (A Girl Cursed Into A Gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon