Chapter 23 : The Painful Truth
"Minsan na rin po ba kayong lumabas sa manggang ito para maglakad-lakad sa mundo ng mga tao?" tanong ko kay Budoy habang tinutulungan ko siyang gumawa ng sigarilyo mula sa tobacco leaves.
Wala si mommy dito, bumalik muna siya sa Manila kasi busy siya. Hindi niya pa alam kung anong gagawin niya sakin, kung babalik ba ako sa Santa Rosa bilang isang normal na tao o sa Manila nalang.
Whatever, I'm fine inside this mango tree.
Pangatlong araw ko pa lang dito sa loob ng mangga ay magaan na ang loob ko sa kapreng ito. Hindi naman pala siya nakakatakot. Yung boses niya lang at itsura ang nakakatakot pero mabait naman talaga siya. He reminds me of Hagrid from Harry Potter.
Looks can be deceiving sometimes. Indeed, we cannot judge the book by it's cover.
"Oo pero dadaan ako sa salamin, hindi mismo sa pinto. Dahil kung sa salamin, hindi ako makikita ng mga tao, pero kung sa pinto, makikita nila ako." nasanay narin ako sa malaki niyang boses. Pero kahit anong laki ng boses niya hinding-hindi talaga magigising ang mulawin na natutulog!
My eyes instantly look at the human-sized mirror near the door! It has real roots as a border and some vines with flowers! It looks like a magical mirror but at first I thought that it was just a normal mirror!
Oh, you should get yourself used to these strange and magical things, Jarred, because you have an enkanto blood for goodness' sake!
"Kasya ho kayo diyan?" I asked as I rolled the brown tobacco leaf. It is a very large leaf, almost as big as the common ukelele!
"Pashnea!" tumawa siya ng malakas, feel ko yumanig ng konti itong bahay niyang cute, "Baka nakalimutan mong may kapangyarihan ako! Kaya kong magbagong anyo! Kahit gahayin ko pa yang mukha mo!" tumawa nalang din ako. Huwag nalang, tsk!
What he said reminds me of Pulanbanga, the girl with same features as mine! I have no idea what happened to her after that very incident when Ligaya have captured her hiding that heels!
Shit! Bakit ba kasi nine months pa? Ganun na ba talaga katindi ang kamandag ng Ligayang yun? Nasa Biringan pa kaya si Pulanbanga o pinatay na siya ni Ligaya sa mga araw na yun dahil sa galit niya?
The thought scares me.
"Pwedi ba akong lumabas sa salamin, Budoy?" tumayo ako at lumapit sa salamin, "At tsaka, kung dito ako dadaan, pwedi ba akong maging visible ulit — I mean, makikita ng mga tao kung kailan ko gusto?"
He doesn't seems interested, it's as if talking to me just bored him and he doesn't care at all even if I will go in and out of this tree.
"Hindi na, makikita ka lang nila kapag sa pintuan ka dadaan. Pero kung may kapangyarihan ka kaya mong magbagong anyo kahit kailan mo gusto, tulad ko."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Hays, wala namang masama kung lalabas ako at pupunta don diba? Hindi naman nila ako kilala kasi ako na to, ang babaeng si Jarred, at never nila akong nakita!
Well, except if maalala parin ako ng Felyn na yun na nakakita ng white lady na kamukha ko sa CR noon! For sure college na sila! At for sure college na rin si Mary!
Yung bruhang yun? Naku, kumukulo na naman ang dugo ko sa bruhang yun, hinding-hindi ko siya mapapatawad! Sana naman at hindi yun nag-aaral dito sa community college at baka mapatay ko yun ng wala sa oras.
"Anong buwan na ba ngayon, Budoy?" nagsimula na siyang magsindi ng sigarilyo niya. Bumuga siya ng usok bago ako hinarap.
"Disyembre."
BINABASA MO ANG
The Lips Of Red (A Girl Cursed Into A Gay)
FantasyNo one is that very addicted to love potion other than Red. She would use lots of it for mortal men to desire her. She loves the idea of being the girl the majority of male population is falling for. The Biringan Queen, utterly disappointed, give he...