6

64 14 1
                                    

Chapter 6 : Kampana ni Uray Silang

What Cain have done near the mango tree is always haunting me last night and I find it hard to sleep. Instead of reading the next entry of the diary, I spent my night thinking about that stupid moves of his hand under her blouse.

Shit! Nakalimutan kong fuckboy pala itong si Cain! But what's unbelievable is Franchien! Di ko akalaing ganon siya!

Nag snacks lang kami ni Gary sa canteen nang nakita ko si Cain at ngayon kasama niya na ulit ang mga adik niyang grupo. Maingay sila sa canteen at nasa pinakacomfortableng parte sila ng canteen umupo.

Tumingin kaagad si Cain sa banda namin ni Gary. Gary poked me and he whisphered,

"Nakatingin sayo si bebe Cain." sa kinikilig na tono. Tss.

"Kumain ka nalang diyan bakla o ako ang kakain diyan sa binili mo." I said to him.

Hanggang ngayon hindi parin mawala ang galit ko kay Cain. And I don't even know why I'm angry!

Hindi naman kasama ni Cain si Franchien, and I'm not surprised, kahit sinong babae lang siguro ang tinitira niya.

Matahimik lang kaming kumain ni Gary nang bigla nalang tumabi si Cain sa akin. Almost of the students near me have noticed him. Ofcourse, he's a head-turner.

But their eyes turns into a different glow when they look at me. Wala akong paki-alam sa mga iniisip nila.

"Hala! Papa Cain? Dapat naba akong umalis dito?" si Gary.

Nananatili ang mga mata ni Cain sa akin, not even looking at Gary even just a second.

"Sorry for yesterday." his voice is raspy, it's as if bago siyang gising.

Ramdam ko naman ang pag-alis ni Gary sa tabi ko at ang mga matatalim na mga mata ng mga studyante sa akin.

"Bakit ka nag-sosorry? Kailangan ba ng sorry yun?"

Galit ako sakanya pero ewan ko ba kung bakit hindi ko siya magawang sigawan ngayon.

His eyes remain on me for seconds, and he is hesitating if he should speak or not, like there are sentences inside of him that are willing to be spoken but are ashamed to go out of the mouth.

"Alam mo Cain kung sa tingin mo hindi ka isang karapat-dapat na modelo para sa akin bilang isang tunay na lalaki, tama ka!" I speak louder enough for him to hear, only him, eh kasi madaming mga tsismosa dito.

Kumunot ang noo niya.

"Kasi Cain," dagdag ko pa, "Ang tunay na lalaki ay hindi nasusukat sa dami ng babae mo, o sa kagalingan mo sa pagbabasketball, nasusukat ito sa respeto mo sa mga babae. Kaya sorry accepted, don't worry, hindi rin naman kita gagawing role model sa pagiging isang tunay na lalaki, eh."

Hindi naman siya nakapagsalita. Tila nawiwirduhan pa siya sa mga sinasabi ko.

"Hindi yan ang ibig sabihin ng sorry ko." he said.

So ano? Ah!

"Kung nagsosorry ka dahil hindi tayo sabay umuwi tulad ng pinangako mo, okay lang! Yung mga bro's nga diyan, hindi magkakasamang umuwi minsan. Yang mga adik mo ngang grupo, hindi mo kasama minsan, kaya okay lang yun!"

Ngayon medyo natatawa na siya sa sinabi ko. Now the students are already whisphering around us.

"Adik kong grupo?"

"Oo!" inis kong sagot.

"Hindi pa rin yan ang ibig sabihin ng sorry ko." sabi niya naman. Talagang ang gulo ng lalaking to!

The Lips Of Red (A Girl Cursed Into A Gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon