10

63 14 0
                                    

Chapter 10 : High Heels

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Jarred." kalmado niyang sagot sa mga sinasabi ko.

"Ikaw ang walang alam! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko! Nandito ka lang sa kaharian mo pinagsisilbihan ng mga katulong mo at nagpapakasaya! Madali lang sa iyong pumataw ng parusa kasi hindi ka naman dumaan sa paghihirap! Ikaw ang walang alam!"

She smiled sarcastically at my complains, "Mababaw ang pananaw mo sa buhay, Jarred."

Mababaw? Sa dami ng pinagdaanan ko mababaw na agad ang pag-iisip ko?

"Eh kung ang pagkakaroon ng malalim na kaisipan ay gagawin lang pala tayong bulag sa paghihirap ng iba at kapus sa awa, eh mas gugustuhin ko nalang maging mababaw!"

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Every single pain I felt through the years, the criticism, the marginalization — it's visiting my weak heart once again.

She smiled. It is not a sarcastic smile. It is like the kind of smile mommy gave me when I won my first gay pageant.

"May natutunan ka nga, Jarred." tumango siya, "Mahusay."

Di ko alam kung masisiyahan ba ako sa reaction niya o hindi. I am not expecting this from her.

I don't know how to react. Nagpapatuloy lang sa pagtulo ang luha ko sa harapan ng Harra.

"Makinig ka Jarred, ilang siglo na akong namumuhay sa mundong ito, kaya ilang tulad mo na ang nakakasalimuha ko. At bilang isang Reyna, tungkulin kong gawin ang tama para sa ikabubuti ng lahat. Tanungin mo ang sarili mo, kung hindi kita pinaparusahan sa iyong ginawa sa mga araw na yun, saan ang hustisya para sa buhay ng inosenting mortal? Binigyan kita ng parusa Jarred, at natutunan mo ang aral mo. Ganyan ang pamamalakad ko. Ang katarungan ang siyang nagpapaikot sa mundo, kung wala ito, mananaig ang kasamaan."

Ganun na ba ako kasama?

The queen suddenly hold my chin and caress it gently. It was like a mother's touch.

"Kung ang pagkakaroon ko ng isang malalim na kaisipan ay nagpupukaw sa mundong sangkot ng kasamaan at nagtutunaw ng pusong matigas — gusto kong manatiling malalim."

At inalis niya na ang kamay niya. So what does she mean? Hindi niya talaga pupuksain ang sumpa ko?

Binawi ko ang kamay niya at hinawakan ko ito ng mahigpit. Then I kneeled in front of her.

"Maawa ka mahal na Harra!" I cried hysterically, "Maawa ka po! Wala na pong iibig sa akin! Hindi ko na po kaya!"

Her expression remains deep and full of wisdom. Hindi siya nagpapatinag sa pagmamakaawa ko. Siguro ganyan ang tingin niya sa akin, isang makasalanan na pagkatapos mangakong magbago, at nagbubulakbol ulit.

But she's right, I'm like that!

I always want to be comfortable, in a safe place, to be lucky and always forgiven without sanctions even if I have done many faults! Who wants to be unsafe and unlucky? Nobody! No one!

Inalis niya ang kamay ko, "Magpahinga ka muna Jarred, iuuwi na kita mamaya sa iyong mundo. Ikaw ay hinahanap na ng iyong ina."

At umalis na siya.

Mom told me before that to be a queen, you have a long list of rules that you must follow. Being a queen is not easy, you have to handle selfish individuals and you have to do what is right for the greater good.

So maybe I should understand her.

Bigla nalang pumasok ang katulong kanina. But I'm wrong, she's not the same, she is wearing the same ragged brown dress just like the maid awhile ago but this woman is older.

The Lips Of Red (A Girl Cursed Into A Gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon