Chapter 25 : My Enkanto Neighbor
"Ginagalit mo ako mortal! Umuwi ka na sa inyo kung ayaw mong gawin kitang isang palaka!"
Nababaliw na ba siya? May gusto siya sa red lady? May gusto siya kay Pulanbanga? Kasi kamukha ko ngayon si Pulanbanga at nakita niya na rin si Pulanbanga noon!
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Hindi kasi ako si Jarred ngayon. Hindi niya alam na ako si Jarred.
As if I care?
"Palaka?" astig siyang tumawa at sumandal sa punong-mangga habang nakatingin sakin, "Eh ano pang hinihintay mo napakagandang diwata? Gawin mo na akong palaka ngayon!"
Why is he so comfortable? Why is he not afraid? And most of all why is he disturbing me? Is he going to ask me why I know his name? Ofcourse no! Pulanbanga knows Cain, I heard their conversations many months ago!
His actions right now bothered me! I don't know what's his exact purpose! I don't know why he's joking around me! I don't know why he seems so interested about me! I don't know what he thinks of me right now! I don't know if he really thought I'm a fairy or what!
Is it possible that he knows that it's me? That I'm the real Jarred right now? But I shouldn't care, right? The hell I care!
"Kapag bumalik ka na naman dito mortal at gawin na naman iyang kahibangan mo, sisiguraduhin ko na talagang ikaw ay magiging isang palaka na!"
Tumaas ang kanyang kilay at nandiyan parin ang ngiti sa labi niya. Ngayon ay nanliit ang kanyang mga mata.
"Talagang babalik ako dito para makita ka ulit." hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa mangga. Wala parin si Budoy at matatagalan pa bago makauwi si Lapawan! Hayst!
Kinabukasan, umalis na naman si Budoy. Wika niya'y may pulong pulong ang mga kapre sa Biringan. Si Lapawan ay hindi parin umuwi, at si mommy ay hindi naman bumisita!
So I'm bored again!
And as expected, umingay na naman ang mangga. Hindi dahil sa bato o kaya ay sa suntok! Kundi dahil sa malakas na boses na umalingawngaw sa loob ng bahay nato!
"Mahal na diwata! Gawin mo na akong isang palaka!"
Tumingin kaagad ako sa salamin. At nakita ko nga siya! Makikita ko sa salamin na maaga pa talaga at wala pang mga ibang estudyante.
Mabilis akong lumabas sa mangga at hinarap siya. Di tulad kagabi, naka-uniporme siya ngayon at may bag siya. He's smiling like idiot right now and I don't even know why!
Gagawin ko ba siyang palaka? Sa totoo lang wala naman talaga akong powers dahil tulad ni mommy ay Damayan din ako! At mukhang hindi naman takot sakin ang isang to.
"Ano bang ginagawa mo dito mortal! Ang iyong boses ay tila isang higanteng umalingawngaw sa aking pamamahay!"
"Sabi mo gagawin mo akong isang palaka ngayon eh." he smirked. Wow! Bakit hindi siya takot?
"Gagawin talaga kitang palaka bukas na bukas!" sigaw ko at pumasok na naman ako sa mangga.
Ganito nalang siya palagi. Palagi nalang siyang nang-iistorbo sa pamamahay ni Budoy! Minsan iniiwasan ko nalang, pero minsan naiirita na ako eh kasi itong mga paru-paru mula sa kwarto ko'y nagsisiliparan sa kung saan saan!
At palagi ko na rin siyang sinasabihan na gagawin ko siyang palaka sa susunod naming pagkikita! Palagi na kaming nagkikita pero hindi parin siya isang palaka! Eh wala naman talaga akong powers! At bakit ba gusto niyang maging isang palaka?
Nakakairita!
Nakakairita kasi parang may sumaksak sa puso ko. It seems like he has a crush on Pulanbanga, the red lady or whatever he thinks I am now! It hurts to know that he can flirt with anyone, which means it's confirmed that he already moved on from me.
BINABASA MO ANG
The Lips Of Red (A Girl Cursed Into A Gay)
FantasyNo one is that very addicted to love potion other than Red. She would use lots of it for mortal men to desire her. She loves the idea of being the girl the majority of male population is falling for. The Biringan Queen, utterly disappointed, give he...