Chapter 24 : Diwata
"Hindi ba nagagalit si Budoy sa mga taong naglalagay ng parol sa punong-mangga niya?" tanong ko sa mulawin. Sinuklay-suklay niya ang buhok ko ngayon at hinayaan ko naman siya.
Simula ngayon palagi ng pumupunta si mommy dito sa mangga ni Budoy para tingnan ako. Pinagbabawalan niya muna akong lumabas sa manggang ito hangga't wala pa siyang desisyon kung saan ako magcocollege. Well, as if I care about her freaking rule? I hate going out too, what happened yesterday is enough.
"Hindi naman siya nagagalit, pero kapag may mga nambabato dito o kaya ay namumutol ng sanga, istorbo talaga yun, kaya tatakutin niya talaga!" mabibo niyang sagot.
"Talaga? In what way naman— ay este, sa anong paraan niya tatakutin?" muntik ko ng nakalimutan na hindi sila nakakaintindi ng english! Mga half-breed lang na katulad ko ang nakakaintindi!
"Edi lalabas lang siya at ipapakita ang anyo niya! Sa pangit niyang yun kahit wala siyang gagawin kinatatakutan na kaagad!" tumawa siya ng malakas, "Istorbo kasi yun, kasi pag nay nambabato, iingay dito sa loob, akalain mo talagang malalaki ang mga batong ibinato kahit na maliit lang naman."
"Paano yung mga batang nambabato ng mangga para kainin nila?"
"Lagot sila kay Budoy! Pero kilala naman ng mga mortal na nag-aaral diyan ang kapreng si Budoy! At may respeto naman sila kay Budoy! Bukod sa may respeto sila ay takot din sila!"
How does it feel inside this tree if some people actually cut down this tree? Are we gonna die here or what? But people respected this tree, so I guess that will never happen.
I wonder how many students can't sleep well at night because of having seen Budoy. Having seen him will surely give them nightmares and traumas that will make them stay away from any trees and somewhere dark!
"Andyan na naman siya!" bigla nalang tumayo si Lapawan at hindi niya na ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok ko na siyang ikinaiirita ko. Ano ba yang sinasabi niya?
He is now standing in front of the mirror, gazing at his reflection. I got off the chair too to follow him. And boy I was wrong, I thought he's watching his reflection, but the mirror isn't showing any reflection at all but a screen.
"Mahilig talaga siya sa mangga!" itinuro ni Lapawan ang lalaki na nasa salamin! Isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa sanga! At malaki ang possibilidad na itong mangga na ito ang inakyat niya!
"Bakit siya nasa salamin Lapawan? At kilala mo ba siya? Saang mangga ba siya nakaupo?" my heart is pounding hard as I ask him this question.
I don't know what Cain is doing in that tree! He should be afraid of this tree because of the red lady rumors that for sure are already spreading because of my scandalous entrance into this tree yesterday!
"Kapag may kakaibang kaganapan sa labas ng mangga, ipapakita talaga yan sa salamin na ito. Yang lalaking yan, madalas na yan dito kaya kilala ko na ang mukha niya! Mahilig talaga siyang umakyat sa punong ito para lang tingnan iyang teknolohiya niyang umiilaw, matulog, kumain ng mangga o kaya ay magmumuni-muni lang, tulad ngayon!"
So sa mangga ngang ito! Bakit kaya mahilig siyang mag-istambay sa manggang ito? Hindi parin kaya nagbabago ang ugali ni Cain at nagcucutting parin siya sa klase niya? At isa pa, teknolohiyang umiilaw, did he mean, cellphone?
"Gaano siya kadalas sa manggang ito, Lapawan?"
I look at Cain, he is just looking at nowhere, as if he's thinking deeply. I wonder what's in his mind? Maybe girls, knowing him. Tsk.
"Matagal na! Simula nong bagong pasukan ng mga mortal!"
Maybe he's thinking why I know his name yesterday? Maybe he thought I am the gay Jarred's twin? Or whatever! I don't care. I don't care about him. I just hate him.
BINABASA MO ANG
The Lips Of Red (A Girl Cursed Into A Gay)
FantasyNo one is that very addicted to love potion other than Red. She would use lots of it for mortal men to desire her. She loves the idea of being the girl the majority of male population is falling for. The Biringan Queen, utterly disappointed, give he...