Kabanata 2

1K 22 0
                                    

Kabanata 2

Transferee

Tumunog ang alarm ko na nasa side table. Ang tunog nito ay mas lalong nagpasakit sa ulo ko. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay.

It's been four months since summer has started. I enjoy it naman pero may mga parte na hindi ko na-enjoy. At iyon ay ang nangyari noon sa bar.

I'm not making it a big deal but fudge. That was my first kiss! I valued it so much and that scumbag just got it? Oh no. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana at talagang ipinakilala pa ako sa walang hiyang lalaking 'yon!

Ang pang-umagang hangin ay tumatama sa balat ko kahit na nababalutan pa rin ako ng comforter. I don't wanna get up yet pero kailangan kong pumasok ng maaga. I need to go to the registrar office to get my schedule and the key on my locker.

Hindi ko kasi ito kinuha noon dahil sa tinatamad ako. Inabisuhan naman ako ni Jash at niyaya pa ako nitong sabay namin kuhain. But I'm not just in the mood to go out. Nanatili lang ako sa aking condo at hindi na nagbalak na umalis pa.

She called me the next day after what happened that night and asked me where did I go. I just told her I'm sleepy and I want to go home na. Sinabi naman niya na nandoon sina Gabh at ang mga kaibigan nito kaya napanatag na ako na ligtas ko naman siyang iniwan.

Wala na akong ibang sinabi sa kanya. I just wanna forget that moment. Parang sa tuwing maaalala ko iyon ay masusuka ako!

Bumangon ako at naghanda na para pumasok. I took a shower for almost an hour. Pagkalabas ko ay nagsimula na akong mag-ayos ng sarili. Just like my school before, kailangan din magsuot ng uniform dito. Akala ko pa naman pwede na akong magsuot ng damit na gusto ko kapag papasok.

I don't put any makeup whenever I'm going to school. Tamang powder lang at lip tint. Schools are for learning and obviously not for boy hunting. And I don't do that.

Mahigit twenty minutes lang naman ang biyahe papuntang school. I searched it online and I just got to know na malapit lang pala iyon sa condo building ko. I won't be super late kung tanghali man ako magising.

Pinasok ko sa sobrang laking gate ang kotse ko at pinark. Hindi ko alam kung madami na talagang estudyante ang napasok ng ganitong oras o late lang ako. Madami na kasing kotse ang naka-park at medyo nahirapan ako maghanap ng space.

Pagkapasok ko sa main building ay hinarang ako ng guard. Hinanapan niya ako ng I.D pero sinabi kong new student ako at kukuhain pa lang. Nagpasalamat na rin ako dahil tinuro niya sa akin kung nasaan ang registrar office nang sa gano'n ay hindi na ako mahirapan pang maghanap.

There's a woman behind the glass wall, scanning the papers when I called her. Napatigil siya sa ginagawa at tumutok sa akin.

"Yes. What is it?"

"Kukuhain ko po sana 'yung schedule, I.D at susi ng locker ko."

I'm not really good at talking to people. But because I'm being a good student na ay kailangan kong makihalubilo sa tao. Kahit naninibago ay kailangan ko itong gawin para maka-iwas sa away.

"Oh. Ikaw ba si Ms. Hernaez?" tumango ako kahit medyo nagulat ako dahil kilala niya ako.

Well, as far as I know, kaya ako dito nilagay nina dad ay dahil sa business partner niya ang may-ari ng school na 'to. Mukhang wala talaga akong kawala at kailangan kong magpaka-bait. Alam ko naman na kaya dito ako nilagay ay para mabantayan nila ako.

Tumayo siya at may kinuha sa mga folder na may laman na mga files. Bumalik siya sa akin dala ang isang maliit na papel, ang I.D ko at isang susi.

"You're in class 11B and here's your schedule." Inabot niya sa akin ang papel at tinaggap ko naman ito. Mayroon din siyang ipinaliwanag sa akin bago ako umalis.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon