Kabanata 11

431 10 0
                                    

Kabanata 11

Choreography

I didn't know that they have a secret base here inside the school. Well, Khiel is the son of the owner so I shouldn't be surprised but I never thought that they really have a room for them where they can stay.

Nang iginala ko ang tingin sa loob ay namangha talaga ako. There are two king size beds. Two long couches and three one-seater sofas. A mini kitchen with a refrigerator and a sink. Chez told me that they also have a closet where they put their spare uniforms and clothes. And that they can take a shower here!

It was originally Wyler's idea. Nasa high school pa lang sila ay pinatayo na raw ito. Sinabi nito na kailangan daw nila ng resting place kung sakaling stress na raw sila sa pag-aaral.

Dahil kapatid ni Cylex si Chez ay nakakapasok na rin ito dito. Pati na rin si Geah dahil kaibigan din ito ni Chez at mukhang trip pa yata ni Wyler kaya naman siya ay pwede ring makapasok.

Unang beses namin makapunta dito ni Jash. Sinabi na rin nila sa amin na kahit kailan ay pwede kaming pumunta rito.

Nakaupo kaming mga girls sa couch habang kumakain. Ang mga lalaki naman ay nakadapa sa kama habang naglalaro ng video games.

Biglang bumukas ang pinto. I didn't bother to look at it. Alam ko naman na kung sino 'yan. Bakit pa titingnan? Masisira lang ang araw ko. Siya lang naman ang wala rito. Nandito kaming lahat puwera lang sa kanya na kadadating lamang.

"Yow! Dude, tara! May bagong game dito." Wyler said. Cylex just ignored him. He sat on the sofa in front of me. Nanadya ba siya?

Hindi ko na lang siya pinansin kahit na alam kong nakangisi siya sa akin. Psh. Mukha kang aso! Bwiset.

After what happened last week, akala ko mag-iiba ang takbo ng kwento. I thought he'd stopped but he didn't. He continued to pester me! Hindi tumalab sa kanya 'yung ginawa ko. And worst, ang iniisip niya yata ay may gusto ako sa kanya kaya ko ginawa 'yon! Argh. It's so messed up.

Nagkwe-kwentuhan lang kaming mga babae habang kumakain nang matigil dahil biglang nagsalita si Gabh. Tumigil na ito sa paglalaro pero patuloy pa rin ang dalawa.

"Bukas na pala ang start ng practice ng dance troupe for the contest. Ready na ba kayo?"

"Yes naman!" masayang sabi ni Geah. "Always ready kaya 'to. I just hope na matitino ang mga nakuha n'yong dancers ngayon. Muntik na tayong hindi manalo last contest dahil d'yan."

"Oo naman, sweetie. Magaling kaya akong pumili," proud na sabi ni Wyler.

"Sus! If I know 'yung mga pinipili mo e 'yung mga sexy at malalaki ang boobs pero hindi magagaling!" irap ni Geah. "Ikaw d'yan ang hindi matino eh."

Napatawa naman si Wyler. "Yieeeh! Selos na 'yan. 'Wag ka mag-alala. Ikaw lang, sapat na!"

Umirap ulit si Geah. "Whatever!"

Napatawa na lang kami sa bangayan ng dalawang 'to. Bagay talaga sila kung hindi lang playboy 'tong si Wyler.

"Are you ready?"

Hindi ako nagulat sa tanong. Nagulat ako sa nagtanong. Nand'yan pa pala siya? Hindi ko napansin eh. Or let's say hindi ko pinapansin.

"Yes." I looked at him. "E ikaw? Hindi pa kita nakikitang sumayaw kaya for sure hindi ka naman gano'n kagaling," pang-aasar ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang matawa siya pati na rin ang iba. Anong nakakatawa?

"Baka mapanganga ka kapag nakita mo akong sumayaw?"

Napairap na lang ako. Mayabang talaga kahit kailan! Mukhang enjoy na enjoy naman sa panunuod 'yung mga kasama namin sa amin.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon