Kabanata 24
Parents
"Trixinne! Please open the door! I need to talk to you. We need to talk!"
Minutes passed by, I can still hear him outside. Kagabi niya pa ako sinusubukan na kausapin pero hindi ako lumabas para kausapin siya. Katok siya nang katok sa pinto pero hindi ko siya pinagbubuksan.
"Trixinne? Please. We need to talk!"
Tumigil siya sa pagkatok at nakarinig ako ng pag-uusap sa labas. Tumunog ang buzzer at sumilip muna ako sa peephole para makita kung may dumating bang ibang tao.
Nakita kong si Kuya Brixe ang bagong dating. Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba ang pinto pero nang makita kong sumama ang tingin nito sa peephole pagkaraan ng ilang minuto ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Nagtama agad ang tingin namin ni Cylex ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin at humarap kay Kuya Brixe.
"What are you doing here?" tanong ko sa aking kapatid.
"I just drop by to see if you're okay. And now, ito ang naabutan ko. What happened?"
Umiwas ako ng tingin at hindi sumagot.
Lumapit sa akin si Cylex. "Trix, please. Let's talk. I know mali na hindi kita na reply-an but I have an explanation for that. At sa nakita mo, wala lang 'yon."
Humarap ako sa kanya at biglang nag-iba na naman ang mood ko. "Wala lang? Cylex, you know na may gusto siya sa 'yo. Ano sa tingin mo ang naramdaman ko no'ng nakita ko kayo?"
He reached for my hand but I took a step back.
"No, Cy. Don't talk to me right now. 'Wag muna ngayon. Hayaan mo muna ako."
"But Trix-"
Sumingit si Kuya Brixe. "Let her, bro. She needs space for now. Maybe she's hurt that's why she doesn't want to talk to you. Kakausapin ko siya, don't worry."
Naramdaman kong tumingin sa akin si Cylex ngunit hindi ako tumingin pabalik. Pilit kong itinago ang gulat ko nang maramdaman kong lumuhod siya at kinuha ang kamay ko saka hinalikan ang likod nito.
"I know this is just a challenge in our relationship but please don't forget that my love is only for you. I love you, Trixinne."
Before I could react, he already left. My tears started flowing down to my face and I have no strength to wipe it off.
"Kuya..."
Agad kong niyakap si Kuya Brixe nang hindi ko na kaya. Ayoko naman talaga siyang umalis pero kailangan ko munang mapag-isa.
"Ano bang nangyari, Trix?" tanong ni kuya.
Kinuwento ko lahat. Sinabi ko rin na may gusto si Sigrid kay Cylex at inamin kong nagselos ako nang makita ko silang magkasama sa cafeteria kahapon.
I know ang babaw lang nito. Pero masisisi niyo ba ako? Natatakot lang ako. Natatakot ako na baka mawala sa 'kin si Cylex. Hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon.
Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong magkwento. Sumubsob ako sa throw pillow at inis na sinabunutan ang sarili ko. Argh! Bakit ba kasi ang babaw kong tao? I don't need space. I need Cylex right now.
"You know what, Trix? You're really new at this. First time mo pa lang magkaroon ng boyfriend at baguhan ka pa lang pagdating sa mga ganito. But I'll tell you, hindi maganda ang ganito. You have to trust him. Kapag hindi, baka maghiwalay lang kayo."
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romance(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato