Kabanata 27

278 7 1
                                    

Kabanata 27

Back

We decided to enjoy our last day here in Canada. Gusto ko nga sanang isama si baby Vienn kaya lang ay kasama raw nito si Ate Jenessa. I want them to hang out before we go back to the Philippines so I gave them time together.

Pumunta kami sa isang coffee shop kung saan namin kikitain ang mga naging friends namin dito. They were actually our classmates here. Filipino rin sila katulad namin at nandito sila dahil nagmigrate na ang pamilya nila dito at ang dalawang kaibigan naman namin na sina Carol at Jimmy ay mga exchange students from the Philippines.

"Girl, mamimiss ka namin!" Bungad sa 'kin ni Pearl pagkapasok niya sa loob ng coffee shop. Niyakap niya ako nang mahigpit at narinig kong humihikbi siya.

Tumawa ang ilan sa amin dahil sa inasal niya. "Naku, si Trixinne ba talaga ang mamimiss mo? Baka naman si Wyne ha!" Pang-aasar ni Sarah kay Pearl na agad namang namula kaya tumawa ulit kami.

Well, alam namin na may gusto siya kay Wyne. Who wouldn't? Wyne is a good looking man. Mabait at maalaga. Hindi ako magtataka kung sa population ng girls sa school namin ay kalahati no'n ang may gusto sa kanya. Bukod doon ay medyo sikat din siya since he took up engineering and he excel in his course.

"Heh! Syempre, oo!"

Napailing na lang ako kay Pearl. Sinulit namin ang oras na magkasama kaming lahat. We talked random things, mga happy moments namin dito, at hindi mawawala ang asaran nila kay Pearl at Wyne na tinatawanan na lang namin.

I'm going to miss them. Sa loob ng apat na taon ko silang nakasama ay napalapit na ang loob ko sa kanila. Sila rin kasi 'yung tumulong sa 'kin para makalimot. Hindi man nila alam pero nakatulong sila sa 'kin ng malaki. And I should thank them for that.

Natapos ang araw na puro masasaya lang ang nasa isip ko. Nakapagpaalam kami ng maayos ni Wyne sa kanila at nangakong mags-skype kami kapag may free time. Bumalik kami sa apartment na tinitirhan namin dito at naabutan namin na nakabalik na sina Ate Jenessa at si baby Vienn kasama ang yaya nito.

"Hi, baby Vienn!" Kinuha ko siya mula sa yaya niya at ako ang kumarga. "Miss me?"

"Feeling mo naman sasagutin ka niyan." Singit ni Wyne na inirapan ko lang. Nilaro-laro ko na lang si Vienn at inaliw-aliw ito.

"Musta ate?" Rinig kong tanong ni Wyne kay ate Jenessa.

Ate Jenessa sighed and sat on the couch. "I don't know what to do anymore, Wyne."

"Sumama ka na sa amin pauwi ng Pilipinas."

Umiling siya at tiningnan si baby Vienn na karga-karga ko. "You know how badly I want to go but I can't. Ayoko rin naman na mapalayo kay baby Vienn pero kailangan ko siyang hanapin."

"Ikaw ang bahala."

Pagkatapos ng dinner namin ay natulog na rin kami. Maaga pa ang flight namin bukas at ready naman na ang mga bagahe namin kaya wala na kaming poproblemahin pa.

I just hope that everything will be fine when we get back there.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Ate Jenessa got Vienn ready for our trip. Alam kong masakit sa parte niya na mapahiwalay kay Vienn but I know everything will be okay.

Maaga kaming umalis sa bahay para hindi kami mahuli sa aming flight. Sa isang restaurant na lang din kami nagbreakfast. Karga-karga ko si baby Vienn habang si Wyne naman ang may dala ng mga bagahe namin. Kaunti lang din ang dinala ko since mayroon naman akong mga damit sa condo ko dati.

I planning to stay there again. I know posibleng makita ko ulit siya kapag doon ulit ako tumira pero wala na akong pakialam. As I've said, I already moved on. Nakalimutan ko na 'yung feelings ko sa kanya.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon