Kabanata 22
Muntikan
"Dapat ako na lang pala pumili ng costume niyo. Kung bakit ba naman kasi gan'yan ang shorts niyo eh. Napakaikli!"
Nandito kami sa auditorium ng school. Dito gaganapin ang semi-finals at finals kaya feeling ko ay mananalo kami dahil na rin sa mga nagc-cheer na taga-MCU sa amin.
"Gosh, Cylex. Hindi naman maikli 'yan eh! Ang protective mo naman masyado. Dapat pala hindi ka muna sinagot ni Trixinne eh."
Tumawa ang mga kasama namin sa sinabi ni Geah kay Cylex. Sinamaan niya nga ito ng tingin. Kanina pa ito nagrereklamo dahil sa suot ko. Kanina ko pa rin siya nakikitang tumitingin ng masama sa mga lalaking napapatingin sa akin.
Wala akong magawa kundi ang tumawa na lang sa kanya dahil ang cute nitong tingnan.
"Oo nga naman, Geah-sweetie. Kita mo ba 'yung mga lalaki d'yan? Ang babastos oh! Lagi tumitingin sa mga legs niyo! Bwiset."
Kilala niyo naman siguro 'yan? Walang iba kundi si Wyler. Siya lang naman ang tumatawag kay Geah ng sweetie. Ewan ko ba kung may gusto siya kay Geah o trip niya lang pagtripan si Geah.
"Aysus. Ikaw pa talaga ang nagsabi n'yan ha?"
Umirap si Geah kay Wyler kaya natawa kami. Wala talagang makakatalo sa katarayan ni Geah. "If I know, ikaw din naman! Kung makatingin ka nga sa legs ng mga ibang contestant d'yan eh. Hmmp!"
Napakamot ng ulo si Wyler kaya mas lalo kaming natawa. Wala, tiklop na siya. Narinig ko ang pag-uusap nina Gabh at Cylex kaya napatingin ako sa kanila.
"LQ na naman ba sila?" natatawang tanong nito. Tumawa lang si Cylex at nagkibit-balikat.
Napatingin siya sa akin kaya naman ngumiti ako ngunit nawala rin bigla nang makita ko ang nakasimangot niyang mukha.
Kumunot ang noo ko. "Okay ka lang?"
"Hindi," diretsong sagot nito.
Inakbayan niya ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. "E bakit nakasimangot ka? Sige ka, papangit ka n'yan. Hindi ka na cute."
"Hindi naman talaga ako cute. Gwapo ako eh."
Napakamot siya ng ulo nang tanggalin ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at ako naman ang sumimangot. Napag-usapan kasi namin noon na mas gusto ko ang cute siya dahil mas gwapo ang cute kaysa sa gwapo. Alam kong nakakalito pero iyon ang gusto ko.
"O sige na. Cute na gwapo ako."
Nakita kong ngumiti si Cylex nang ako mismo ang nagbalik ng pagkaka-akbay niya sa akin at pinisil ang ilong niya.
"E bakit ka nga nakasimangot? Alam mo bang mamalasin ka n'yan? Baka hindi tayo manalo sa round na 'to, sige ka."
Napanguso siya. "Remind me later to change Geah as the group stylist. Ayoko 'yung mga damit na pinapasuot niya sa inyo."
"Huh? Bakit naman? Ang ganda kaya pumili ni Geah ng mga costumes natin. Nagmumukha kaya tayong korean dahil kay Geah."
"Ah basta. Masyadong maiksi. Ayoko no'n. Ang dami kayang tumitingin sa inyo lalong-lalo na sa 'yo. Dapat ako lang. Bawal 'yon."
Nagtaka siya nang ngumiti ako at muling pinisil ang ilong niya. "Trix!"
Tumawa ako kaya napanguso ulit siya. "Ang cute-cute naman ng boyfriend ko maging possessive. 'Wag kang mag-alala dahil kahit na madaming tumitingin sa 'kin, sa 'yo lang ako nakatingin. Ikaw kaya ang pinaka-cute at pinaka-gwapong lalaki na nakilala ko."
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romance(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato