Kabanata 13

376 6 0
                                    

Kabanata 13

Confession

Buti na lang at nakaisip agad ng palusot si Cylex kaya kami nakaalis agad doon. Hindi ko na nga napakinggan kung anong palusot ang sinabi niya dahil dumiretso na agad ako sa sasakyan pagkatapos kong magpaalam kay Tita.

Tahimik ang naging biyahe namin papuntang school kung saan ang venue ng contest. Nakatingin lang ako sa bintana habang siya naman ay seryosong nagmamaneho.

Hindi namin pinansin ang isa't isa pagkarating namin sa school. Tahimik lang din akong bumaba at naunang pumasok doon kahit hindi ko alam kung saan ba ang auditorium nila dito. Maybe I'll just text Jash and ask her? Oh gosh. This is really awkward. I didn't even say thanks to him for the ride! Nakakahiya naman kasi eh.

Teka. Bakit naman ako mahihiya?

He was the one who kissed me! Dapat siya nga ang mahiya. Nakuha na nga niya ang first kiss ko pati ba naman second? At bigla-bigla na lang siya nanghahalik!

'Where are you?'

Tumambay muna ako sa isang bench sa loob ng university habang hinihintay ang reply ni Jash. May isang oras pa naman bago magsimula ang contest.

Habang naghihintay ako ay may lumapit sa akin na isang lalaki na naka-uniform ng school na 'to. He's tall kaya naman nang makatapat siya sa pwesto ko ay nakatingala ako para makita siya.

"Hi!" bati niya at naglahad ng kamay. "I'm Darwin. Are you a transferee here? Parang ngayon lang kita nakita."

Nag-aalinlangan pa akong tanggapin ang kamay niya dahil una, hindi ko naman siya kilala. At pangawala, first meeting pa lang namin ito pero may hawak kamay na agad? Pero wala naman masama na tanggapin ko kung gusto niya lang naman magpakilala.

I smiled and shook his hand. "I'm not. Kasali ako sa contest na host ngayon ang school niyo kaya nandito ako. By the way, I'm Trixinne."

Nagulat naman ito sa una kong sinabi. "Oh? Kasali ka sa contest? Kasali rin ako doon! Saang school ka?"

"Sa MCU."

"Nice. Can I sit here?" I nodded my head. He smiled before he took a seat next to mine. "Malapit na magstart ang contest ah? Bakit nandito ka pa?" kunot noo niyang tanong.

Tiningnan ko ang phone kong wala paring text ni Jash. "Uhh... hindi ko kasi alam kung saan ang auditorium dito. Naghiwalay kasi kami ng mga kaibigan ko."

"Gusto mo sabay na tayo? Papunta na rin naman ako doon," alok niya.

Nag-isip muna ako. Wala naman masama doon 'di ba? He seems nice naman. He stood up and offer his hand.

"Uhh..sig-"

"Trixinne."

Napalingon kaming pareho sa tumawag ng pangalan ko. It was Cylex. Nakahalukipkip siya at nakatingin sa aming dalawa ni Darwin.

Ano ba? Iniiwasan nga kita. Hindi mo ba nahahalata? Tapos magpapakita ka dito sa harapan ko?

Argh. Dapat siya 'yung nahihiya eh!

Lumapit siya sa amin habang seryoso pa rin ang mukha. "Tara na."

Tumingin ako kay Darwin na ngayon ay parang naguguluhan dito. "Uhm..."

Kapag sumama ako kay Cylex ay paniguradong ang awkward! Kapag sumama naman ako kay Darwin ay okay lang. Pero kasi... argh. Bahala na nga.

"Darwin, mauna na kami ah? See you na lang sa loob."

"Uh okay. Nice to meet you, Trixinne." I smiled at him and left.

Ako 'yung nauuna sa paglalakad kahit na hindi ko alam kung tama ba 'tong dinadaanan ko. Ah basta! Bahala siya d'yan. Kainis! Dapat yata kay Darwin na lang ako sumabay eh.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon