Kabanata 12
Mother
Hindi talaga ako nakatulog ng gabing 'yon. Kasi naman, nakakahiya! Nagblush pa yata ako noon. Bakit ba kasi gano'n 'yung steps? Tapos nakita pa kami ni Jash na magkalapit ang mga mukha. Ayan tuloy! Dito natulog sa unit ko nang gabing iyon at sinabon ako ng mga tanong.
Awkward para sa 'kin 'yung sumunod na araw dahil nga sa nangyari. Pero parang sa kanya, hindi? Ewan. At talagang tumigil na talaga siya sa pang-aasar. Simula nang nagkabati kami ay hindi na niya ulit ako inaasar.
At no'ng ipinakita na namin ang nagawa namin na steps para sa kanta ay sobrang awkward! Kahit na kailangan ng eye-to-eye contact sa sayaw ay hindi ko nagawa dahil sa pagkailang. Paano ba naman. Para akong matutumba tuwing tumitingin ako kay Cylex na nakatingin na sa 'kin. Hindi ko keri!
At isa pa. Tuwing naiiwan kami nina Jash, Cylex, at Gabh ay lagi akong inaasar ni Jash tungkol sa nakita niya! At ito namang sina Gabh lalo na si Cylex, tinatawanan lang! Kainis!
Sobra rin kaming pagod this past few weeks. Hapon-hapon pagkatapos ng klase ay lagi kaming nagpapractice. Thirty members na lang ang natira sa fifty na members dati. Hindi naman daw kawalan 'yon dahil magagaling ang mga natira.
Malapit na ang elimination round kaya todo ang practice namin para maging perfect ito. Una pa naman ang Kwatro. Kami nina Khiel, Chez at Cylex ang lalaban para doon. At sino pa nga ba ang magiging kapartner ko? Mukhang pinagkaisahan na naman nila ako dahil si Cylex lang naman ang ginawa nilang partner ko.
"Guys! Party naman tayo oh!"
Nandito kami ngayon ng barkada sa S-Room. We just finished our practice at ngayon ay nagpapahinga kami. Ala-sais na kami natapos kaya paniguradong madilim na sa labas.
"Oo nga! Mas magiging busy na tayo next week kaya dapat magsaya tayo ngayon!
Lahat ay nag-agree kaya naman dumaan muna kami sa isang restaurant bago pumuntang bar. May mga dala naman kaming extrang damit kaya hindi na kami umuwi at dito na lang nagpalit.
Pagkapasok namin ay sinalubong kami ng party lights at music. Maraming tao sa loob at mga nagsasayaw sa dance floor kahit alas nuebe pa lang ng gabi. Inabot kasi kami ng dalawang oras sa restaurant kaya gan'yan. Hindi matapos-tapos na kwentuhan.
Umupo kami sa VIP section at nag-order na sila ng inumin. Matagal na rin pala akong hindi nakabalik dito. Usually, every weekends akong nasa bar pero iba na ngayon. Ngayon lang ulit ako nakapasok ng bar.
The last time I went here, something happened. I looked at him at parang parehas kami ng iniisip. Shit. Naalala ko na naman 'yon! Umiwas ako ng tingin at uminom ng shot ng tequila.
"Laro tayo guys! Masyadong maraming tao sa dance floor kaya mamaya na tayo pumunta!"
"What game?" tanong ni Chez kay Geah.
"Uhmm..." nag-isip muna siya. "Okay! Truth or dare tayo."
"Ano ba 'yan! Ang bata naman n'yan, Geah. Wala na bang iba?" natatawang tanong ni Wyler.
"Hmmp! Hindi naman 'to ordinaryong game eh. Kapag truth, magtatanong tayo pero kapag dare, iinom ng bottle of this drink tapos isa pang dare."
Umiling naman agad ako. "Lalasingin mo ba kami?"
Tumawa siya, "Of course not! 'Yon ay kung ayaw mong mag truth at dare ang pinili mo, malalasing ka talaga."
Wala na kaming nagawa nang ininom ni Wyler ang buong bote dahil sa utos ni Geah at 'yon ang ginamit namin. Unang tumapat kay Jash ang bote at truth ang pinili niya.
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romance(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato