Kabanata 23

272 3 0
                                    

Kabanata 23

Sakit

"Are you okay?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita si Cylex. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nakapasok sa unit ko dahil alam naman niya ang passcode ko.

Siguro ay nakita niya akong pabalik-balik na naglalakad kaya niya natanong iyon. Kinakabahan kasi ako. Sinabi kasi ni Cylex sa 'kin na ngayon niya rin ako ipapakilala sa daddy niya.

"Y-yeah?"

Umupo ito sa couch at hinila ang kamay ko papalapit sa kanya. Tumingala siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Kinakabahan ka?" tanong niya at tumango ako. "Don't be. Party lang 'yon, Trix."

Umiling ako. "But your dad, Cy."

Hinalikan niya ang likod ng palad ko at tumingin sa 'kin. "Magugustuhan ka niya, Trixinne. Kung hindi man, wala akong pakialam. Basta ang importante mahal kita at mahal mo ko. Hindi ko kailangan ang opinyon nila."

But I knew his father. Base sa mga kwento ni Cylex tungkol sa daddy niya, alam kong gagawin nito lahat para mapabuti lang ang anak niya. Pinatigil nga niya ito noon sa pagsasayaw pero hindi tumigil si Cylex.

At kapag naiisip kong paglalayuin niya kami ni Cylex ay parang nawawasak na ang puso ko. Alam kong hindi ko dapat iniisip ang ganito pero hindi ko mapigilan.

Nagustuhan naman ako ng mommy ni Cylex. Close din naman kami ni Chez. Pero iba kasing usapan ang daddy ni Cylex. Hindi ko pa siya nakikilala pero natatakot na ako sa posibleng gagawin niya.

"Pero daddy mo pa rin 'yon, Cylex. What if hindi niya ako magustuhan? What if paglayuin niya tayo? Ayoko no'n, Cy. Hindi ko kaya."

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. "Shhh. 'Wag mong isipin 'yan. Hindi ko hahayaan na mangyari ang iniisip mo. Clear your mind, okay? Ang isipin mo lang ay ako. Ako lang."

Napangiti ako sa sinabi niya. Parang nawala lahat ng iniisip ko at siya lang ang natira. Gosh! Iba talaga 'tong si Cylex. Parang may powers siya na buburahin ang laman ng isip mo hanggang siya na lang ang matitira.

Nilahad niya ang kamay niya sa akin. "Let's go?"

Ngumiti ako at inabot ang kamay ko. Sabay kaming lumabas ng unit at pumunta na sa mansyon nila kung saan gaganapin ang party.

Namangha agad ako pagkarating namin sa mansyon. Maliwanag ang buong bahay at punong-puno ng mga tao. Ang iba ay nasa garden at nagkwekwentuhan habang ang iba naman ay nasa loob ng bahay at nagkakasiyahan.

Humigpit ang hawak ko sa braso ni Cylex nang mapansin kong halos lahat ng tao sa loob ng mansyon ay nakatingin sa 'min nang makapasok kami sa loob.

"It's okay. You don't need to be worry. Walang mangangagat sa 'yo dito. At kung mayroon man, sasapakin ko agad dahil ako lang ang pwedeng kumagat sa 'yo. Rawr!"

Pinalo ko agad siya sa braso. "Ano ba naman 'yang pinagsasabi mo, Cylex! Nakakainis ka naman eh!"

Niyakap niya ako at naramdaman ko na tumawa siya kaya namula ang pisngi ko.

"Sorry na, baby. Gusto ko lang naman i-cheer up ka eh. Hindi mo kailangang kabahan dahil nandito lang naman ako sa tabi mo."

"Salamat, Cylex." Ngumiti ako sa kanya. "Salamat dahil lagi mong pinapagaan ang loob ko."

"Anything for you, Trix. Anything."

Humiwalay na kami mula sa pagyayakapan namin at dumiretso sa pwesto nina Tita. Agad nila kaming napansin kaya naman ngumiti ako sa kanila.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon