Kabanata 40

489 6 0
                                    

Kabanata 40

Confrontation

Lumipas ang ilang linggo at lahat ay busy sa pagrereview para sa finals. Patuloy pa rin ang panliligaw ng dalawa sa akin. I tried to talk to Wyne but he's not willing. Sabi niya ay magpapatuloy pa rin siya sa ginagawa niya kahit na alam niyang wala siyang pag-asa.

I don't want him to do that but I can't stop him. Naging totoong kaibigan ko rin si Wyne kaya ang hirap ng ganito. Sana lang ay mahanap na niya ang totoong para sa kanya.

Speaking of them, I haven't seen them since this morning. Wala si Cylex sa klase at kahit sa lunch ay hindi ko sila nakitang dalawa.

I plan to stay at school after class to study. Hindi kasi ako nakakapagfocus kapag nasa bahay ako.

Habang naglalakad ako papunta sa library ay nakasalubong ko si Wyne. Parang hinahanap niya talaga ako dahil na rin agad siyang pumunta sa puwesto ko.

"Can we talk?"

Naguguluhan man ay tumango ako. Pumunta kami sa garden ng school. Umupo ako ngunit nanatili siyang nakatayo. Naghihintay ako ng susunod niyang sasabihin.

He smiled as he looked at the sky above. Natatamaan ng sikat ng araw ang mukha niya at nakikita ko ang emosyon sa mga mata niya.

"Hah!" Huminga siya ng malalim bago ibinaling ang tingin sa akin. "Siguro nga ito na 'yung time na kailangan ko ng sumuko."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Trixinne, you know I like you so much. Totoo iyon. Pero siguro nga hindi tayo para sa isa't isa. Simula pa lang alam ko nang may nagmamay-ari na ng puso mo. I tried but I think I can't replace him in your heart," he said while smiling weakly. I saw the sadness in his eyes and I can't help but shed tears. "Sana lang hindi ka niya saktan ulit dahil aagawin talaga kita sa kanya 'pag ginawa niya 'yon."

Napatayo ako at napayakap sa kanya. I felt sorry because I can't like him the way he likes me. Hindi ko siya magawang mahalin dahil may nagmamay-ari na ng puso ko at si Cylex iyon.

"Can we still be friends?" he asked. Sunod-sunod akong tumango. I can't lose a friend like him.

"Yes. You're still my boy best friend, okay?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Kahit friendzone ako, oo. Ako pa rin ang boy best friend mo, Chie."

Ngumiti rin ako sa kanya. "Thanks, Pot."

"And I'm sorry," bigla niyang sabi.

"Huh? For what?"

"Sorry, Trixinne. But I'm not sorry for what I did to him. He deserved it."

Pumunta agad ako nang malaman ko na nasa infirmary si Cylex. After the talk I had with Wyne, sinabi niya sa akin na nandito raw si Cylex. Hindi niya sinabi kung gaano kalala ang ginawa niya kay Cylex. Basta sinuntok niya raw at puntahan ko raw dito sa infirmary.

Binati ako ng nurse na nandoon at tinanong ko agad kung nasaan si Cylex. Sinabi niya na nasa isang bed raw at nagpapahinga. Sinilip ko lahat ng kamang nandoon hanggang sa matagpuan ko siya sa pinakadulo.

Nakapikit siya at may mga pasa sa kaniyang mukha. Gusto ko sanang suntukin din si Wyne sa ginawa niya nang maalala ko ang sinabi niya. Yeah, he deserved this for hurting me before.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na maawa sa kalagayan niya ngayon. Kakagaling niya lang sa hospital tapos mukhang mapapabalik na naman siya?

Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya at pinagmasdan lang siya habang natutulog. Nawala sa isip ko ang mag-aral dahil sa nangyari.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon