Kabanata 14
Unknown
Tahimik lang ang naging biyahe papunta sa condo ni Gabh. Well, tahimik naman talaga ako. Ewan ko na lang sa kanya. Pagkalabas ko ng unit kanina ay nagulat talaga ako nang makita ko siya.
I mean, oo alam kong doon siya nakatira sa katapat kong unit pero hello? Anong ginagawa niya doon ng ganoon kaaga? Then he said na sa kanya na ako sumabay. Ang awkward nga lang! Buti na lang talaga at malapit lang ang condo building ni Gabh.
I was about to open the door when Cylex stopped me. "Wait."
Tumingin ako sa kanya pero nakababa na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
I blushed. "Thanks."
Bumaba ako ng sasakyan bitbit ang bag ko. Bigla naman niya itong kinuha at nauna sa paglalakad.
"Ako na."
I heaved a sigh. Ano bang ginagawa mo, Cylex? Nakakapanibago ka na!
Sumunod na lang ako sa kanya. Paakyat kami ngayon sa floor ni Gabh kasi doon kami maghihintay sa mga kasama namin na wala pa. Pagkapasok namin sa unit niya ay sina Jash at Gabh lang ang nandoon. Nanunuod ang dalawa habang nakaakbay si Gabh kay Bhie. What a scene!
"Oh? Bhie?"
Buti naman at napansin nila kami. Psh. Maglalambingan na nga lang doon pa sa alam na may makakakita. Hays.
"Morning dude!" bati ni Gabh kay Cylex at bumaling sa 'kin. "Good morning, Trix."
Tumango lang ako sa kanya at umupo sa tabi ni Jash. Pumunta naman 'yung dalawa sa kusina kaya kinukulit ako ngayon ng bestfriend ko.
"Uyy ha! Bakit kayo magkasama ni Cylex? Nag-kausap na kayo?"
"Hindi pa."
"Eh bakit kayo magkasama?"
I sighed. "Sinabi niyang sabay na kami dahil parehas lang naman daw ang pupuntahan namin. Pagkalabas ko ng unit nandoon na siya. Pumayag na lang ako."
"Okay? Edi awkward kayo n'yan?" I nodded. Tinanong niya ako nang tinanong hanggang sa dumating na ang iba naming kasama. Tsismosa talaga!
Mas lalong naging awkward noong nasa van na kami. Our seating arrangement made me uneasy at this moment. Salamat sa magaling kong best friend at sa boyfriend niya! Tsk.
Nakaupo ako sa tabi ng bintana at katabi ko lang naman si Cylex! Kainis. Alam naman nilang hindi kami nagpapansinan tapos itatabi nila ako sa kanya? What the. Is this a joke?
"Are you okay?"
Napatingin ako sa kanan ko. Siya naman siguro 'yung nagsalita 'di ba? Busy 'yung mga kasama namin eh. Teka. Ako ba kausap niya? Nakatingin siya sa harap eh.
Tumingin na lang ulit ako sa bintana pero nagsalita siya ulit.
"I asked you. Are you okay?" ulit niya pero this time ay tumingin na siya sa 'kin. Napatingin na rin ang mga kasama namin dahil medyo lumakas ang boses niya. Namula naman ako bigla. Bakit ba hindi siya makaramdam?
"Y-yeah." I said as I put my earphones on my ears.
I hope makarating agad kami sa Batangas. Sana pala hindi na lang ako sumama eh. But then, I have no choice. We're on a circle of friends and I can't change that.
We traveled in Manila up to Batangas for 2 hours. We stayed awkward until the van stopped in Wyler's beach resort. Bitbit ang mga gamit namin ay pumasok kami sa isang villa kaharap ng dagat.
"Occupied na 'yung ibang villa kaya hindi na natin magagamit. Pero malaki naman 'to and we have four rooms in this villa. Khiel and I are on the same room, Geah and Chez, Trixinne and Jash then Cylex together with Gabh. Okay ba?"
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romance(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato