Kabanata 18

386 6 1
                                    

Kabanata 18

Friend

"Hindi na ako sasabay sa 'yo bukas."

Nang makarating kasi kami sa school at pinagbuksan niya ako ng pinto ay pinagtitinginan kami ng mga tao. I know there are already speculations in their head that there's something going on between me and Cylex.

Huminto siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko kaya napahinto na rin ako. Naglalakad na kami papuntang building namin and thank God kaunti na lang ang dumadaan sa hallway dahil malapit ng magsimula ang klase.

"At bakit naman? Trixinne, manliligaw mo ako at obligasyon kong ihatid-sundo ka. May problema ba?"

Agad kong pinagsisihan na sinabi ko 'yon dahil nag-iba agad ang mood ni Cylex. Hindi lang talaga kasi ako sanay na may kasabay ako tuwing pagpasok bukod kay Jash. Or baka may iba pang rason pero hindi ko lang masabi.

"Wala naman, Cylex. It just that..." 

Napatingin ako sa dalawang babaeng nakatingin at parang nakikinig sa 'min pero umalis din agad nang makita nila akong nakatingin sa kanila bago bumaling ulit kay Cylex. "Nahihiya lang ako."

"Ikinahihiya mo ako?"

"Of course, not!" agad kong sagot. I'm getting frustrated dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. "Cylex, ako 'yung nahihiya. Nahihiya ako sa sarili ko. Nakita mo ba 'yung mga students na nakatingin sa atin nang bumaba ako sa kotse mo? Noong tiningnan nila ako para akong may ginawang masama. Cylex, you are so famous and... I'm not." Napayuko ako dahil hindi ko kaya ang tingin na binibigay sa akin ni Cylex.

"Trixinne..."

Parang ngayon lang nagsink-in sa 'kin 'yung sinabi ni Sydney. What she said was another way of saying na hindi kami bagay ni Cylex. And I felt a pang on my chest whenever I would think of it.

"Maraming fangirls mo ang madidisappoint kapag nalaman nilang nililigawan mo ako. I'm not like other girls there na sobrang ganda, sexy at higit sa lahat famous." Parang maiiyak na ako sa mga sinasabi ko. Masyado akong iyakin na kahit ganito lang ay iniiyakan ko na. But can you blame me? My insecurities are eating me. "Hindi tayo bagay."

"Damn! Stop that bullshit, okay?!" I startled when he shouted. He saw it and hugged me immediately. "Shit. I'm sorry. Ikaw naman kasi." He held my chin up and stared at me. "Listen, okay? I don't give a shit about them. Wala akong paki kung ano man ang sabihin nila. I'm not famous-well, sige famous ako sabi nila but you don't need to be famous for me to like you. And don't say na hindi tayo bagay. Because for me..." he intertwined our hands and I looked at it for a moment before my eyes went back to his. "We are meant for each other."

"Cylex..."

"What made you think like that? May umaway ba sa 'yo na mga fans ko? Sila ba 'yung dahilan kung bakit ka may mantsa ng juice noong nakaraan? Tell me who the hell are them and I'll give them a punishment."

Umiling lang ako and hugged him back. Kuntento na ako sa mga sinabi ni Cylex. I won't let my insecurity eat me. Never.

Nagkaroon kami ng isang oras na walang klase dahil absent ang teacher namin. May dalang gitara si Khiel at wala naman ginagawa kaya naisipan nitong tumugtog.

"Ehem! So, guys para sa inyo 'tong kakantahin ko. Sana magustuhan ninyo."

Ang ibang mga babae sa loob ng room ay kinilig sa sinabi ni Khiel pero kaming mga kaibigan niya ay natawa lang sa kanya. The only sound that we can hear in the room is Khiel's voice and his guitar.

No wonder na maraming siyang fans. He got the looks and talent. He can sing, play guitar and dance. I'm sure maraming nagkakagusto sa kanya na girls.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon