Kabanata 34
Hurts
Another day came and we are busy practicing. Excused na kami sa lahat ng classes namin kaya whole day practice ang ginagawa namin.
Nagpakita na rin si Cylex ngunit wala siyang kinakausap ni isa. Minsan lang siyang magsalita kapag may nakita siyang mali sa choreography. Binabago niya iyon at hindi naman ako nagrereklamo dahil may tiwala ako sa kanya sa paghandle nito.
Nang matapos kami sa half ng unang performance namin ay nagtake muna kami ng break at naglunch. Tulad ng mga nakaraang araw ay sabay kaming kumakain ng lunch ni Wyne. Nagtext siya sa akin na sa cafeteria na lang kami magkita.
Kasabay ko sina Jash papunta roon ngunit naghiwalay din kami dahil sinabi kong si Wyne ang kasabay ko. Ayokong sumabay kami sa kanila dahil alam kong marami silang tanong na nakahanda para sa amin. I'm not yet ready to answer them.
"Hey." Bati ko sa kanya nang makita ko na ito. Ngumiti siya sa akin at pinaghila ako ng upuan. "Kanina ka pa?"
"Hindi naman," sagot niya. "Anong sa 'yo? Ako na ang oorder para sa atin."
"Ikaw na ang bahala," I said. Tumango siya at bumili ng pagkain namin. Pagkabalik niya ay as usual, puno na naman ang tray na dala niya.
Nasanay na ako kay Wyne na ganito. Kung araw-araw ba naman kaming magkasamang maglunch tapos kung maka-order siya ay parang pang last supper ang peg. Buti na lang talaga ako 'yung tao na kahit kumain nang kumain ay hindi tumataba.
Napailing na lang ako nang ilapag niya iyon lahat sa table namin. Wala rin naman akong magagawa. Tingin niya yata sa 'kin ay stick at malapit ng tangayin ng hangin. Napairap na lang ako nang bigyan niya ako ng pa-inosenteng ngiti.
"Hindi ba't sabi mo ngayong gabi ang dinner niyo kasama ang family mo?" biglang tanong sa akin ni Wyne habang kumakain kami.
Tumango naman ako. "Yeah. Why?"
"Tito also invited me to your house tonight." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"He said that? Bakit naman kaya?"
He shrugged. "Hindi ko rin alam eh."
"Pupunta ka?" Tumaas muli ang tingin ko at hinintay ang sagot niya.
"Mmm." Tango niya. "Gusto rin kitang makasama pa." Sabay kindat pa kaya napairap ako pero tumawa rin.
"Sus. Kumain ka na nga lang d'yan!" natatawang sabi ko at ngumiti lang siya. Pinagpatuloy na namin ang pag kain namin.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid ako ni Wyne sa practice room. Gusto niya sana na sabay kaming umuwi mamaya pero sinabi ko na hanggang alas singko pa kami dito at alam kong maaga ang uwi niya ngayon. Sinabi niyang hihintayin niya raw ako pero hindi pa rin ako pumayag dahil dala ko rin ang kotse ko. Sinabi ko na lang na magkita na lang kami sa mansyon.
Pagkabalik ko sa practice room ay nagpapractice na ulit ang iba. Nang masiguro kong lahat ay naroon na ay nagsimula na muli kami sa aming practice. Sana lang ay manalo kami sa kompetisyon na ito para sa karangalan ng aming school pati na rin sa sarili namin.
Bagsak ako pagkasapit ng alas singko ng hapon. Hinihingal akong napahiga sa sahig dahil sa tinding pagod. Iniinda ko ang sakit ng buo kong katawan. Halos hindi ko na nga magalaw ang mga braso ko dahil sa sobrang sakit ng mga iyon. Para akong nagbuhat ng mabigat na bagay dahil sa sakit ng katawan ko ngayon.
Tiningnan ko ang wrist watch ko at napabangon agad ako nang maalalang may dinner pala kami ngayon. Hinagilap ko ang aking phone sa mga gamit ko nang marinig ko itong tumutunog.
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romance(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato