Kabanata 21

313 8 0
                                    

Kabanata 21

Property

Maaga akong nagising kinabukasan. Ewan ko ba kung bakit ako na e-excite kapag gigising ako tuwing umaga. Dahil ba alam kong nasa tapat na ng pinto ko si Cylex at inaabangan ako para sabay kaming pumasok?

Napangiti ako at bumangon saka dumiretso sa bathroom para maligo. Hindi naman ako matagal maligo dati pero parang inaabot na ako ng siyam-siyam ngayon.

Pagkatapos ay nagbihis na ako at nag-ayos. Nakaramdam na ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto ko para icheck ang ref kung mayroon bang makakain doon pero nadismaya lang ako dahil halos tubig na lang ang nandoon.

Tiningnan ko rin ang cupboard ko at napabuntong-hininga na lang. Puro instant noodles na lang ang kinakain ko at ayoko naman na noodles na naman ngayong araw.

Siguro sasabihan ko na lang si Cylex na dumaan muna kami sa drive thru bago pumasok.

Excited na binuksan ko ang pinto ng unit ko at nadismaya na naman ako nang hindi ko nakita si Cylex sa tapat nito.

Bakit kaya wala pa siya?

Tiningnan ko ang katapat kong unit at nagdadalawang isip ako kung nandoon pa siya. Sa huli ay pinindot ko ang buzzer at hinintay na buksan niya ang pinto.

Ilang minuto pa ay bumukas ito at niluwa ang mukhang kagigising lang na si Cylex. Pumikit-pikit pa ito at biglang nanlaki ang mga mata nang makita ako.

"Trixinne!" gulat na sabi niya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Gulo-gulo pa ang buhok nito pero hindi iyon ang napansin ko. Naka-boxer lang siya! Agad kong inangat ang tingin ko sa mukha niya.

"Ahm. Pasok ka." Niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto at pumasok naman ako.

Nilibot ko ang tingin sa unit niya. Ngayon pa lang ako unang makakapasok dito. Black and white rin ang theme nito at halos katulad lang ng unit ko. May mga nakasabit na paintings sa wall niya at simple lang ang ayos ng mga gamit niya sa living room.

Nagbalik ang tingin ko sa kanya nang tumikhim ito. "Anong gusto mo? Water? Coffee? Sorry, ngayon lang ako nagising."

"It's okay." Ngumiti ako at napatingin na naman sa ayos niya ngayon. "Ahm. Cylex?"

"Hmm?"

"Pwedeng magsuot ka muna ng damit? Para magkausap tayo ng maayos kasi naiilang ako eh." Straight-forward kong sabi.

Parang ngayon niya lang narealize kung ano lang ang suot niya. "Ah. Right. Wait for me here, okay? Maliligo lang ako tapos sabay na tayong pumasok."

Nagmamadali itong pumasok sa isang kwarto at kung hindi ako nagkakamali ay kwarto niya. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa unit niya.

First time kong makapasok sa unit niya at na-impress naman ako dahil napakalinis niyang tao. Sa mga nababasa ko kasi ay makalat ang mga lalaki at so far naman ay wala akong nakita ni isang kalat dito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na ito. Basa pa ang buhok nito at mukhang hindi pa niya nasusuklay pero kahit gano'n ay ang gwapo pa rin niyang tingnan.

"Nagbreakfast ka na ba?" tanong niya at umiling ako. Tiningnan niya ang oras sa relo niya at hinila ako patayo. "May oras pa naman. Sabay na tayong kumain. Ipagluluto kita."

Pumunta kami sa kitchen at pinaupo niya ako sa isang high stool na nandoon. Pinanuod ko siyang magluto at mas lalo akong humanga sa kanya.

Tumulong ako sa paglagay ng plates at utensils sa table. Inilapag ni Cylex ang niluto niya sa gitna at hinala ako ng upuan. Umupo naman ako rito at tumabi siya sa akin.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon