Kabanata 32

290 4 1
                                    

Kabanata 32

Comfort

Naglakad lang kami ng kaunti bago narating ang isang bahagi ng resort kung saan makikita ang pinakamagandang view dahil sa mga rock formations sa paligid.

Humiwalay ako sa kanila dahil gusto kong makapag isip-isip. Nagpaalam lang ako kay Jash na d'yan lang ako sa tabi kung sakali man na hanapin nila ako.

Lumangoy ako papunta sa pinakamalapit na rock formation. Madali ko lang siya naakyat at pumwesto ako sa gitna.

Buti na lang talaga at hapon na kaya naman hindi na mainit sa balat. Tiningala ko ang kalangitan at pumikit. Isa ito sa mga paborito kong gawin. Gustong-gusto ko kapag tumatama ang hangin sa aking mukha.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naka-move on na ako pero ano itong nararamdaman ko? Parang bumabalik lahat.

Ayoko nito.

Sa tuwing makikita ko siya, bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko tulad ng dati. Nararamdaman ko na naman ang hindi ko dapat maramdaman.

Pero mali 'to. Hindi ko dapat ito maramdaman kasi una sa lahat, matagal ng tapos ang lahat sa amin. Dapat nakalimutan ko na siya pati na rin ang feelings ko sa kanya. Pero bakit tila bumabalik sa dati ang lahat?

"What are you thinking?" Biglang naputol ang pag-iisip ko nang biglang may nagsalita mula sa kung saan.

Lumingon ako sa aking likuran kung mayroon bang tao pero wala akong nakita. Nagtataka ako kung saan nanggaling ang boses na iyon.

"I'm here." Muling nagsalita ang boses. Narinig ko na iyon nang maayos kaya naman ay nalaman ko na kung saan iyon nanggaling.

Tumingin ako sa baba. Nakita ko si Cylex mula sa ibaba na lumalangoy at nakatingala sa akin.

"W-what?" I asked him. My heart starts beating fast.

Umahon siya mula sa tubig at umupo sa mababang parte ng rock formation na kinauupuan ko. "I asked you. Anong iniisip mo?" tanong niya ulit.

"Bakit gusto mong malaman?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"I just want to know." Kibit-balikat niyang sabi. "Pero kung ayaw mo naman, okay lang."

Hindi na ako sumagot sa kanya dahil wala rin naman akong sasabihin. Muli akong tumingin sa kalangitan at dinama ang hangin.

"Si Wyne ba ang iniisip mo?"

Bigla akong napaubo sa tanong niya. Bakit napasama si Wyne dito?

"W-what?"

"Bakit ba puro ka what nang what? Bingi ka ba?" Inis na tanong niya. "Tsk!"

Napanganga ako. Ano 'yon? Bakit bigla-bigla na lang siyang naiinis? May nagawa ba akong mali? Nagtanong lang naman ako para makumpirma kung anong sinabi niya.

"Hoy!" sigaw ko at dinuro siya. "'Wag mo nga akong sigawan. Tsaka pwede ba?! Bakit ka ba tanong nang tanong kung ano ba ang nasa isip ko? Fyi, it's none of your business."

Inirapan ko siya at bigla siyang sumimangot.

"Gusto ko lang naman na malaman kung iniisip mo rin ba ako," mahina niyang sabi kasabay ng paghampas ng alon kaya naman hindi ko ito narinig ng maayos.

"Ano?"

Napa-poker face siya. "Tinagalog mo lang yung what eh."

Umirap ako at hindi na lang siya pinansin. Akala ko ay mananatili siyang tahimik ngunit binasag niya ang katahimikan sa paligid namin nang magsalita siya.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon