Kabanata 26
Help Me
We don't meet people by accident. There are reasons why we met them. I've taken the risk, not knowing the person deeply. I don't want to call it regrets because it taught me a lesson. The pain I've felt makes me even stronger.
I cried a lot. There are days that I don't want to see anyone. I actually went to the places we used to go, trying to heal myself. But the memories were holding me back, hoping that there's still a chance.
I looked at the balcony of my unit. My mind is drowning again with questions that remained unanswered.
It still fvcking hurts. Naalala ko na naman. It's been three days since it happened. Mula nang sinabi ni Cylex na maghiwalay na kami. At 'yung mga narinig ko mula sa kanya. Masakit. Sobrang sakit pa rin.
Infatuation? Napagtripan?
Oh, wow. Just wow! Kung alam ko lang na lokohan lang pala ito, sana pinigilan ko na ang sarili kong mahulog sa kanya simula pa lang.
But I know I can't do that. Mahirap eh.
Cylex was known for being a bad boy. But they didn't know what was behind that title. I've seen that when he and Chezka had a problem. He just wanted to protect her because he didn't want Chez to face what he experienced.
He's a good friend too. Lagi siyang nasa likod ng mga kaibigan niya. Hindi man niya sinasabi pero alam kong mahalaga sa kanya ang mga ito.
At sa akin. Kahit na lagi niya akong inaasar, nagpakita pa rin siya ng care sa 'kin noong nasa probinsya kami kahit hindi pa kami close noon. Kaya hindi ko maiwasan ang sarili ko na mahulog sa kanya dahil kahit na may pagka-bad boy siya, alam kong mabait siya.
Inis akong napasabunot sa buhok ko. Ano ba, Trixinne?! Bakit ba pinagtatanggol mo pa ang lalaking 'yon? He broke your heart. Wake up!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng tubig. Napatingin ako sa living area habang umiinom ng tubig.
I remembered. Madalas kaming naka-upo sa couch ni Cylex tuwing nandito siya sa unit ko. Kumakain kami ng pizza habang nanunuod ng movie. We were happy back then. I wonder what happened?
Napailing na lang ako at dumiretso sa sala. Nahiga ako sa couch at tumitig sa kisame. Hindi ko maiwasan na isipin kung bakit ba ito nangyari.
Parang noong nakaraang linggo lang ay masaya kami ah? Nagkaroon kami ng kaunting tampuhan pero naayos naman namin agad. And now, this happened.
Hinawakan ko ang pisngi ko nang naramdaman kong basa iyon. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Napabuntong-hininga ako at saktong tumunog ang phone ko.
Kinuha ko ito mula sa bulsa ng shorts ko at sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ito.
"Hello.."
"Trix."
I sighed when I heard her voice. "Bhie."
"Ilang araw ka nang absent, Trixinne. Malapit na ang exams natin. Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon but you can't let that affect your studies." Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya at alam kong naiinis na siya sa 'kin dahil sa hindi ko pagpasok. "Alam mong kapag hindi mo napasa ang exam ay hindi ka rin makakapasa this semester."
Last exam na namin ito for this semester. Ayoko naman talagang um-absent eh. Hindi ko lang kaya na harapin siya. Alam kong pumapasok na ulit siya. Everyday ay tine-text ko si Geah at tinatanong kung pumasok ba si Cylex. Oo na! Martir na kung martir pero mahal ko eh.
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romansa(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato