Kabanata 19

326 8 0
                                    

Kabanata 19

Date

Cylex was true to his words.

Pagkatapos ng klase namin ay sinabi niya na may pupuntahan daw kami. Biniro pa nga kami ng mga kaibigan namin na ang daya raw dahil hindi namin sila isasama.

Binelatan lang ito ni Cylex at hinila ako papuntang car park.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay na kami sa kotse niya. "Pwedeng dumaan muna tayo sa condo? Naka-uniform pa ako oh!"

"'Wag ka ng magpalit. Maganda ka naman kahit anong suot mo eh."

Bakit kailangan pang purihin? Ayan tuloy para akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko!

Umiling ako at hindi pa rin pumayag. "Sige. Kung sasabihin mo sa 'kin kung saan tayo pupunta, hindi na kita pipilitin dumaan muna sa condo."

Napakamot ito ng ulo kaya naman ngiting tagumpay ako. "Aish! Sige na nga. Kung hindi lang kita–"

"Ano?"

Namumula itong umiling at tumutok sa daan ang mga tingin.

"Wala. Sabi ko... kung hindi lang ako gwapo wala sanang babaeng naghahabol ngayon. Eh ang kaso. Gwapo ako eh. Pasensya na."

Natatawa akong hinampas ng bahagya ang braso niya. "Heh! Yabang nito."

"Gusto mo naman." Nakangiti ito pero napangiwi nang himasin niya ang braso niya. "Ang sakit no'n ah! Amazona mo po."

"Gusto mo pa rin naman po," sabi ko at tumingin na lang sa bintana para itago ang pamumula ko.

"Gustong-gusto."

Sinabi ko kay Cylex na magpalit din siya kahit na mas gusto niyang tumambay na lang sa labas ng unit ko. Tinulak ko pa muna siya sa sarili niyang unit para lang magkapagpalit siya.

Baka naman kasi sobrang bongga noong pupuntahan namin tapos naka-school uniform lang kami. 'Wag ganon! Mas okay ng maging bongga kaysa mukha kang nagditch ng klase dahil naka-uniform ka pa.

Kaya naman medyo natagalan ako sa pagpili ng damit na susuotin ko. Hindi ko alam kung plain shirt lang at pants ang susuotin ko o magd-dress ako.

Saan ba kasi kami pupunta?

Pagkatapos ng mahabang pagpapasiya ay nagsuot na lang ako dress dahil baka sa restaurant kami pumunta or kung saan man. Basta nagdress ako! Medyo ilang pa nga ako kasi hindi naman ako sanay magsuot ng dress.

Nagretouch lang ako ng kaunti dahil hindi rin naman ako sanay magmake-up. Kaunting foundation lang at lipstick ay okay na sa akin. Nagdala rin ako sling bag para ilagay doon ang personal things ko kasama na ang phone ko.

Paglabas ko ng unit ay saktong kakalabas lang din ni Cylex sa unit nito. Naestatwa ako sandali nang makita ko ang itsura nito.

Nakasuot siya ng plain white v-neck shirt na pinatungan ng black jacket at sa baba naman ay black jeans at sneakers. Naka-shades at cap din siya na nakabaliktad ang suot.

Bakit ganon? Ito naman 'yung normal niyang sinusuot pero bakit parang GQ model siya sa paningin ko ngayon?

Nahiya naman kasi 'yung suot kong white knee-length dress at flat shoes sa suot niya. Dapat kasi sinabi niya kung saan kami pupunta 'di ba? Para naman hindi ako magmukhang PA niya lang.

"Tara na?" nakangiting aya niya sabay lahad ng kamay niya sa akin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" 

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon