Kabanata 30

334 7 5
                                    

Kabanata 30

Important

It was a tiring day for us. Feeling ko ay nabali ang mga buto ko sa sobrang sakit ng mga iyon. Ipinahinga ko na lang ang katawan ko at natulog. I just woke up when someone tapped me on my shoulder.

"Trixinne..."

I groaned. "What?"

"Nawawala si Wyne. You need to wake up!"

Agad akong napamulat ng mata sa narinig ko. I saw Sigrid on my side. Binalot agad ng pag-aalala ang mukha ko.

"Where is he? Saan siya nagpunta?"

"I don't know!" Natatarantang sigaw nito. "Sumama ka na lang sa akin at hanapin natin siya. Hinahanap na rin siya ng mga kasamahan natin."

Agad akong tumayo at lalabas na sana sa tent namin when she grabbed my arm. Napahinto ako at lumingon sa kanya. "What?! I need to find him now. Baka kung ano ng nangyari sa kanya!"

"Uhm. " She looked at my face. "Pwedeng ayusin mo muna ang sarili mo kahit konti lang?"

What the fudge? Ano bang gusto niya? Magpaganda pa ako when I know that Wyne might be in danger right now? Is she dumb?!

"At least comb your hair na lang." I did what she told. Pagkatapos ay lumabas na kami ng tent. There are no people outside. Mukhang hinahanap din nila si Wyne.

Sumunod lang ako kay Sigrid kasi hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Mas okay na magkasama kami para hindi na rin kami maligaw.

Parang liblib na ang lugar na 'to. I have to look around dahil baka may mga ahas na umaaligid na sa amin at naghihintay lang ng pagkakataon.

"Are you sure that this is the way? Baka maligaw din tayo ah!" I said. I looked around and I noticed that Sigrid was nowhere to be found.

"Sigrid?" I called her name but no one answered. "Shit! Where are you?"

Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko. Natatakot ako dahil baka may masama ng nangyari kay Wyne at natatakot ako para sa sarili ko. What if tuklawin ako ng ahas dito? Paano kung walang makakita sa 'kin? Dito na ba ako mamamatay?

Nilibot ko ang paningin ko nang may mapansin akong kakaiba. Mayroong mga petals ng flowers akong nakita na nakakalat. Takot man ay sinundan ko ito dahil parang pathway ang mga petals na nasa lupa.

Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maintindihan. Hindi na siya kaba kundi takot. I don't know what you called this feeling basta kinakabahan ako.

Unti-unting nagdidilim na ang kalangitan. Ibig sabihin ay maggagabi na. Akala ko ay hindi ko na makikita ang dinadaanan ko nang may biglang umilaw. The light was coming from the lantern hanging on the trees. Kung saan man galing 'yon ay hindi ko alam.

As I continue to walk, nakarating na ako sa dulo. Ang dulo no'n ay isang puno. Nang wala akong makitang kakaiba ay nilibot ko ang paningin ko at nakita ang isang sign sa puno.

Look at your right.

And I did. Napanganga ako sa nakita ko.

Cylex?

He was smiling at me and he's holding a flower. Dahan-dahan akong lumapit. Then I noticed that there are a table and two chairs behind him. What is this?

"What are you doing here?" agad kong tanong pagkalapit ko sa kanya.

"For you."

Imbes na sagutin niya ako ay inabot niya sa akin ang mga bulaklak. Alinlangan man ay tinanggap ko iyon. "Have a sit." Humugot siya ng upuan para sa akin.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon