Kabanata 7
Bangkal
"What the hell, Cylex?!"
Napabangon agad ako sa nakita ko. What the fvck? Bakit ko 'yan kayakap? Ang pagkakaalala ko kagabi, unan ang yakap ko!
Kaya pala parang ang tigas ng unan ko kanina nang maalimpungatan ako pero hindi ko lang pinansin dahil baka ganon talaga 'yung unan.
Tapos ngayon kaya pala ang tigas dahil hindi na pala unan ang yakap ko? Gosh. How did it happened?!
"Bakit mo ako kayakap? Anong ginawa mo? Argh! Ang manyak mo talaga kahit kailan, Cylex!" pinagbabato ko siya ng unan na madampot ko. Mas nilakasan ko pa ang paghampas sa kanya.
"You damn pervert! Chansing ka pa ha? Shete ka!"
Tawa-tawa niyang inilagan ang mga unan na hinahampas ko sa kanya.
"Baka ikaw? Ako nga itong pagkagising ay nagulat dahil nakayakap ka na sa 'kin ng mahigpit eh."
Tinakpan ko ang tenga ko.
"Waaah! Shut up! Liar! Hindi 'yan totoo! Manyak ka lang talaga kaya mo ako niyakap! Idedemanda kita!"
Napalingon naman ako sa hagikgik na narinig ko at may nakitang mga bata. Napakunot naman ang noo ko at tiningnan ang buong kwarto. Kami na lang pala dalawa ang nandito bukod sa mga bata.
Bigla akong namutla.
OMG! So nakita rin nila 'yung yakap ako ni Cylex pagkagising nila? What the heck. Gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon pa lang.
"Ang cute niyo pong dalawa!" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng matangkad sa kanila. "Ako po pala si Elaine. Siya naman po si Carlo," turo niya sa medyo maliit. "At ito naman po si Jorence." Turo niya habang karga ang isang bata. I think he's only two years old.
"Ah good morning?" naiilang na bati ko.
"Good morning din po!" bati naman ni Carlo. "Bumaba na raw po kayo at mag-agahan."
"Bagay po kayo!"
Nanlaki ang mata ko sinabi ni Elaine bago sila bumaba.
Humarap naman ako kay Cylex at sinamaan pa siya ng tingin nang marinig kong tumawa siya. Napatigil din ito.
"Mauna ka na ngang bumaba doon! Ayokong makita 'yang mukha mo!" sigaw ko at bumangon.
Tumayo naman siya at inayos ang buhok niya. "Okie! By the way, nice move, Ms. Transferee."
"Labas!"
Lumabas naman siya kaagad dahil binato ko sa kanya ulit ang unan. Tumatawa pa ito kaya lalong nag-init ang pisngi ko.
Like what the heck? Kayakap ko talaga 'yung mokong na 'yon? Unbelievable! Paano... aish! Trixie, just forget it, okay?
This is the first time na may nakayakap akong lalaki sa pagtulog ko. Syempre, bukod kina dad at kuya. Argh! Ang daming nangyayaring first sa akin dito. Mag-expect pa ba ako? Hays.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na rin ako ng bahay dahil nandoon daw silang lahat. May parang kubo doon at sa labas ay mga kawayan na upuan. Tumabi naman ako kay Geah sa loob ng kubo.
"Good morning, Trix." Ngumiti naman ako at bumati rin. "Oh! Kain ka na d'yan." Alok niya at doon ko lang nakita na may timpladong kape na at tinapay sa lamesa.
Habang kumakain kami ay dinidiscuss na rin sa amin ang gagawin namin ngayong araw. Sabi ni Maine, isa sa mga seniors namin. Maglilinis, magsisibak at magluluto lang daw ang gagawin ngayong araw. Syempre ang lalaki ang magsisibak ng kahoy at kami naman ang naatasan na maglinis. Sa pagluluto ay kasama kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romansa(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato