Kabanata 38

306 6 0
                                    

Kabanata 38

Sorry

I can feel the pain in my whole body when I woke up. Alam kong nasa hospital ako dahil ang una kong napansin pagkabukas ko ng aking mata ay ang kinahihigaan ko at ang paligid. I searched the whole room and no one's around.

I tried to move my arms but I can't bear the pain. The door opened and I saw Jashiah entering the room together with Gabh. She looked shocked when she saw me fully awake.

"You're awake!" Agad siyang pumunta sa puwesto ko at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay humarap siya sa kaniyang nobyo. "Call the doctor, Gabh."

Gabh nodded his head and left the room. Gusto kong maupo ngunit hindi kaya ng aking katawan. Sinubukan ko ngunit sobrang sakit ng aking likod kahit na maliliit na galaw lang ang ginagawa ko.

Nang kami na lang ni Jash ang nasa loob ay tinanong ko ang gusto kong itanong simula pa pagkagising ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko. Nababahala ako kaya kailangan ko na itong itanong.

"Is Cylex o-okay?" I saw her stopped for a moment. She looked at me and I don't want the look she's giving me. Parang ayokong marinig ang magiging sagot niya. "Okay lang siya 'di ba?"

A moment of silence and she's still not answering me. 

"Trixinne..."

The door swung open, interrupting us. I turned and saw the doctor and nurse entered the room. They went in to check me.

"Anong nararamdaman mo?" tanong sa akin ng doktor.

Pinakiramdam ko ang aking katawan. Napapadaing ako sa sakit sa tuwing inaangat ko ang aking braso at hindi ko magawang igalaw ang katawan ko para makaupo dahil sa sakit ng likod ko. 

"Masakit ang buong katawan ko. My head also hurts a little."

Tumango-tango ang doktor. "It's just fine. You're still recovering and you had slept for days now. You're lucky there's no fractured bone in your back. You just need a lot of rest to regain your strength."

Nang matapos nilang i-check ang vital signs ko ay umalis din sila. Nagpapasalamat ako na hindi malakas ang impact nang pagpalo ng baseball bat sa likod ko. Kahit na masakit ay buti na lang at hindi malala.

Naiwan muli ako kasama sina Jash at Gabh. Hindi pa ako nasasagot ni Jash. I want to know her answer. Gusto kong malaman kung anong nangyari kay Cylex.

Humarap ako sa kanya. "Ilang araw na akong nandito?"

"You've been here for two days already." Jash sat on the chair next to my bed and held my hand. "We rushed you both in the hospital when you lose your consciousness. Hindi ka pa muling gumigising matapos nilang hilumin ang mga sugat mo."

I've been sleeping for two days now? I'm trying to remember what happened to us. Ang huling naaalala ko ay noong patakas na sana kami ni Cylex sa warehouse ngunit nakarinig kami ng putok. Natamaan si Cylex and he did not give me any response when I tried to wake him up. That's when I lose consciousness.

Muli akong humarap kay Jash. "Answer my question, Bhie."

Hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi niya ako sinagot agad. May masama bang nangyari kay Cylex? He's fine, right?

"Trix... argh. How should I say this?" hirap na hirap niyang sabihin. Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay na magsalita siya. "Cylex is... ahmm–"

"He's in coma."

"Gabh!"

Parang hindi ako makahinga sa narinig ko galing kay Gabh. Gusto kong ipaulit ang sinabi niya kasi baka nagbibiro lang siya. Pero hindi iyon ang nakikita ko sa mukha ni Gabh. Seryoso siya sa sinabi niya.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon