Kabanata 5
Activity
Mabibilis ang lakad ni Cylex habang papunta sa pwesto namin. Kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin kay Chezka. Si Chez naman ay takot ang nasa mga mata. I still didn't get why he shouted at us and why he looked angry right now.
"Hoy! Kitang may pinag-uusapan kami dito, bigla-bigla ka na lang sumisigaw d'yan." Hinawakan ni Chez ang kamay ko pero hindi ako nagpaawat. "Teka! Ano na naman bang problema mo ha?"
"Pwede ba?!" inis niya akong hinarap na ikinagulat ko. "Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya pwede ba? Manahimik ka nga! Ang ingay mo!"
Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Nasaan 'yung Cylex na lagi akong inaasar at pinagtitripan. Sobrang layo nito sa Cylex na nakilala ko. Hindi ko alam kung bakit ba siya nagagalit.
"Stop it nga!" biglang sabat ni Chez at humarap kay Cylex. "What are you doing here?"
"Ano 'yung narinig ko?" balik tanong ni Cylex. "You joined in a dance contest?"
I feel like I need to get out of here. Tama si Cylex. I should not meddle with their business. Pero hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng mga paa ko at ayaw umalis sa kinatatayuan nito.
Matagal bago nakasagot si Chez. Nagsukatan sila ni Cylex ng tingin bago siya huminga ng malalim at napayuko.
"Yes," mahinang sagot nito.
Napasabunot naman si Cylex sa buhok niya at parang hindi natanggap ang naging sagot. "Chezka! How many times do I have to tell you to quit dancing, huh?! I said. Stop. Dancing. Bakit ba ang hirap ipaintindi sa 'yo iyon ha?!"
Nanlaki ang mga mata ko. Parang unti-unting ko nang na-aabsorb ang mga pangyayari. Cylex being angry at her right now was because he is her brother?
"You're his brother?" pagtatanong ko para makumpirma kung tama nga ba ako. Humarap ako kay Chezka at inulit ang tanong. "He is your brother?"
Hindi pa nakakasagot si Chezka ay naunahan na siya ni Cylex. "At ano naman sayo ha?" naiinis nitong sigaw. "'Wag ka nga munang magsalita. Nag-uusap pa kami 'di ba?"
Napatungo naman ako sa sinabi niya. Siguro nga ay dapat wala ako dito.
"Lex! Don't shout at her!" sigaw din ni Chez. "Yes. I joined in a dance contest! Not because I need money but because I want to continue dancing! At doon ko nakilala si Trix. Noong una kaming magkita rito ay hinila ko siya para sabihing 'wag ipaalam sa inyo dahil alam kong magagalit ka!"
"And you're not planning to tell me?!"
"No!" she started to cry. "I was planning to tell you pero naunahan ako ng takot dahil alam kong magkaka-gan'yan ka!"
"Alam mo naman pala bakit ka pa nagpatuloy? Alam mo ang dahilan kung bakit kita pinapatigil sa pagsasayaw! Ayokong magaya ka sa 'kin!"
"I'm not like you, Lex!" naluluhang sigaw ni Chez. Cylex is being so mean to her. I want to stop him pero alam kong wala ako sa lugar para gawin iyon. "I can handle both! I can focus on my studies while I'm dancing! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakakapag move-on sa dahilan na 'yan?!"
"Just stop dancing and focus on your studies, Chezka! Fvck. You know what happened to me before and I don't want it to happen to you!" pagalit na sigaw ni Cylex. "Just stop!"
"I don't understand you, Lex!" bigla na lang tumalikod si Chezka at tumakbo papalayo. Cylex tried to follow her but I gripped his wrist to stop him.
Humarap siya sa akin. "Alam mo pa lang nagsasayaw si Chez, bakit hindi mo sinabi sa akin?!"
Napairap ako at tinanggal ang pagkakahawak sa kanya. "Aba malay ko bang ikaw 'yung tinutukoy niyang kapatid?" sagot ko at umupo sa kaninang inuupuan. "Ni hindi ko nga alam na magkapatid pala kayo."
BINABASA MO ANG
Dangerously In Love
Romance(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato