Kabanata 9

416 8 0
                                    

Kabanata 9

Jersey

"Uyy saan ka pupunta?"

Nakita ko kasi si Geah na may dala-dalang damit. Nandito lang ako sa kubo habang kumakain ng mangga. Favorite ko na 'to eh.

"Sa likod lang. Maglalaba ako eh. Ikaw, may damit ka pa ba? Isang linggo na rin tayo bukas dito ah?" tanong niya.

Hmmm... ang alam ko ay may damit pa naman ako. Pangdalawang linggo 'yung dinala ko eh. Baka sa kakaalis namin kaya wala na siyang damit. Papalit-palit pa naman 'tong si Geah.

"Meron pa naman. Sasama na lang ako sayo," sagot ko at sumabay sa kanya papunta sa likod.

Nakita na rin namin si Vane na naglalaba doon. Tapos may mga damit na rin sa sampayan. Ako na lang ba ang hindi pa nakakapaglaba sa 'min? E may damit pa naman kasi ako eh.

Umupo na doon sa maliit na bangko si Geah na nasa tapat ni Vane. Ako naman ay umupo lang sa kawayan na upuan habang kumakain pa rin ng mangga.

"Sure ka bang may damit ka pa? Baka wala ka ng isusuot?" tanong pa ni Geah. Tumango lang ako at nagsimula na sila.

Tawa ako nang tawa habang naglalaba sila. Hindi rin naman pala marunong si Geah maglaba. Humihingi tuloy siya ng tulong kay Vane. Kaya lang sa tuwing magkukusot si Geah ay tumatalsik kay Vane kaya ayon! Rambol.

Wala bang laundry shop dito? Para doon na lang ako magpapalaba. Sabagay, probinsiya nga naman 'to.

"Magandang umaga ho, Lolo Flamin."

"Magandang umaga po!"

"Magandang umaga rin sa inyo. Maupo kayo. Bakit nga pala kayo napadayo rito?"

May narinig naman akong mga nag-uusap sa harap. Sinenyasan ko sina Geah na aalis na ako at tumango lang sila. Naglakad ako papunta sa harap at nakita ko si Lolo Flamin na may kausap. Nandoon sila sa balkonahe sa baba ng bahay.

Lumapit naman ako at napansin na nandoon sina Dan at Jason na may kasamang hindi gaanong katanda na lalaki. Nandoon din 'yung mga boys. Lumapit pa ako at umupo sa tabi ni Justine.

"Anong meron?" bulong na tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat naman siya. "Ewan."

Nakinig na lang ako sa usapan nila. Wala namang problema doon 'di ba? Hindi naman 'to usapang matanda kasi nandito 'yung mga boys. Hindi naman din 'to usapang lalaki kasi nakikinig din si Elaine. Walang problema do'n. Wala!

"'Di ba ho ay may gaganapin na liga sa ating baranggay bukas?" tumango lamang si Lolo. "Kaya lang ho ay nagkulang ang ating mga player sa kabilang team. Nabalitaan ko naman po na may mga bisita kayo rito at kung sana ay sila ang maglaro sa liga para bukas."

Wow. May basketball game bukas? Sa covered court lang sa dati kong school ako nakakanuod ng gano'n eh. Ano kaya kapag dito sa probinsya? Masaya siguro 'yon!

Tumingin naman si Lolo sa mga boys. "Payag ba kayo doon mga iho? Isang beses lang naman ito gaganapin kaya sumama na kayo. Para na rin malibang kayo."

Nagtinginan naman sila at sabay na tumango.

"Sige po! Masaya 'yon."

"Yaaay! Malamang matinding laban 'to. Kasama ba naman ako?" mayabang na sabi ni Wyler.

"Paano ba 'yan. Kita-kita na lang tayo bukas ng gabi?" nakangiting sabi ng lalaki saka tumayo. "Paalam na po, Lolo Flamin. Tara na." Tumayo na rin sina Dan at Jason.

"Kita-kits mga bro! Sayang magkalaban tayo." Si Jason.

"Oo nga. May the best player win na lang. Bukas na lang ulit." Paalam ni Dan at umalis na sila.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon