Kabanata 28

276 5 3
                                    

Kabanata 28

Rebuild

Maayos naman ang naging unang linggo ko. Hindi lang ako masyadong komportable dahil ang upuan namin ni Cylex ay medyo magkalapit. Ang aisle lang ang pagitan namin. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil hindi kami magkatabi tulad ng dati.

Masyado akong naging busy sa paghahabol ng mga lessons. Tinulungan din ako ng barkada para sa mga lesson na namissed ko.

Hindi kami masyadong nagkikita ni Wyne ngayon dahil sa pagkabusy namin pareho. Nagsisisi tuloy ako dahil pati siya ay kailangan rin maghabol sa mga lessons niya. Engineering ang course niya at alam kong mahihirapan siya dahil last year na rin niya dito. Tinext ko siya na sabay na kaming maglunch ngayon para makabawi.

"Bhie, hindi ka sasabay sa amin?" tanong ni Jash nang makita niyang nauna ako sa paglabas ng room.

Umiling ako. "Hindi eh. Kasabay ko si Wyne."

Napaangat ang gilid ng labi niya. "Kayo ha! Baka may hindi na ako nalalaman sa inyo. Best friend ko kayo, dapat sabihan niyo ako."

"Ano ka ba, Jash! Baka may makarinig sa 'yo, ano pa sabihin."

"E ano naman? Wala ka namang boyfriend. Single rin naman si Wyne. Edi okay lang!"

Hindi na ako sumagot pa. Nagpaalam na ako sa kanila pero bago ako makalabas ng pinto ay nahagip ng tingin ko si Cylex na nakatangin din sa 'kin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kaya't pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.

Sa main cafeteria kami nagkita ni Wyne. Sinalubong niya agad ako ng yakap pagkakita niya sa 'kin at ginantihan ko naman ito.

"Chie, namiss kita." Naglalambing niyang sabi. Natawa ako at bahagyang nilayo ang ulo niya. We're so comfortable with each other na okay lang kahit ganito kami kalapit.

"'Wag ka nga d'yan, Wyne! Nag-uusap naman tayo sa phone ah."

Napanguso ito at kumalas sa akin. "Pero iba pa rin kapag sa personal. Hindi na rin kita nakikita dahil sobrang busy natin pareho. Buti na lang talaga at niyaya mo akong magdate tayo ngayon."

"Kapal ah!" Hinampas ko siya sa braso na ikinatawa niya. "Tara na nga, kumain na tayo."

Natatawang hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako papunta sa pinakamalapit na table. Sinabihan niyang siya na lang ang o-order para sa amin kaya naman sinabi ko na lang ang gusto ko.

Pagbalik niya ay nagulat pa ako dahil ang daming laman ng tray na hawak niya.

"Kumain ka ba kanina?"

"Oo."

"E bakit ang dami mo paring inorder?"

"Alam ko naman na hindi sapat 'yung inorder mo kaya dinamihan ko na. You know, ang takaw mo kaya."

Sinamaan ko siya ng tingin na siya namang ikinahalaklak nito. Tinadyakan ko siya sa paa kaya't napangiwi ito.

"Ang brutal mo talaga!"

"Tse! Kumain ka na nga lang d'yan."

Nakita kong ngumiti si Wyne at sinimulan ng kumain. Ako rin ay sinimulan na ang pagkain ng mga inorder niya para sa 'kin.

Napatigil kaming pareho dahil sa narinig naming ingay. Tumingin ako sa aking likod kung saan ito nagmula. Nakita ko ang kumpulan ng mga tao sa isang table.

Tinapos ko agad ang pagkain ko at sabay kami ni Wyne na pumunta doon para malaman ang nangyayari.

"Ang sabi ko... alis! Hindi mo ba ako naiintindihan?"

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon