Prologue (Revamped Version)

8.8K 153 28
                                    


Present time...

"ANO'NG ORAS NA; uuwian pa ba ng mag-asawang iyon ang mga bubwit na 'to?" reklamo ni Dani matapos sulyapan ang oras sa suot na wrist watch. Nakahiga ito sa malapad na couch sa living area, may hawak na wine glass sa kanang kamay at nakataas ang mga paa sa coffee table.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ng kasambahay kanina na talagang gagabihin ang dalawa dahil maraming inaasikaso sa itinayong tutorial center sa bayan?" sabi naman ni Kaki na naka-upo sa kabilang sulok ng couch at nakangiting pinagmamasdan ang dalawang batang naka-salampak sa carpet at nakatingala sa malaking flat screen TV.

They were Vivienne and Lucio, the seven-year-old twin.

"And besides... Aren't you happy na nakasama ulit natin itong mga inaanak natin? We haven't seen them since Christmas last year," dagdag pa ni Kaki sa mga sinabi kanina.

"Siyempre masaya akong makita silang muli, pero pumunta ako rito to chill, not to babysit these cuties."

Kaki giggled and said, "Alam kong wala ka lang sa mood ngayon dahil nagbreak kayo ng manloloko mong syota kaya ka umaasta at nagsasalita nang ganiyan. But come on, maybe the kids will change your mood."

Dani just pouted and said no more. Muli nitong dinala ang hawak na kopita sa bibig at sumimsim ng red wine. Ang tingin nito'y muling natuon sa mga inaanak na halos hindi maabala sa panonood.

Ilang sandali pa'y ibinaba ni Dani ang hawak na kopita at nakangiting muling nagsalita, "Look at them, Kaki. They are so cute. Talagang perfect match ang genes ng mga magulang; nagmukhang anghel ang mga anak."

Nakangiting tumango si Kaki at masuyo ring pinagmasdan ang mga inaanak.

Ilang sandali pa'y muling nagsalita si Dani. "Akalain mong nagkatuluyan talaga ang dalawa?"

"Well, somehow, I felt that they were really meant for each other from the start. Huli nga lang na-realize ng isa ang damdamin niya, and it took some time before they ended up together."

"Yeah. Marami muna silang pinagdaanan bago sila nagkatuluyan. Luna used to push him away, but he was very persistent. Sa huli ay si Luna naman ang naghabol."

Natawa si Kaki at binalingan ang kaibigan. "Marinig ka ni Luna, huy.."

"O, eh bakit? Totoo namang huli na niyang napagtantong may damdamin na rin siya kung kailan inakala niyang sinukuan na siya ni Prince Charming. Naku, 'yang kaibigan mo, oo."

Kaki laughed all the more. At hindi na nito nagawang sumagot pa sa huling sinabi ni Dani nang sa sulok ng mga mata nito ay nakita ang biglang pagtayo ni Vivienne. Patakbo itong lumapit.

"I wanna change the channel and watch Cinderella, but Lucio is trying to altercate."

"Altercate..." manghang ulit ni Dani sa salitang ginamit ng inaanak.

"I made a deal," sagot naman ni Lucio na nanatiling nakasalampak sa sahig pero nakalingon sa kakambal. "I will only agree to change the channel if we're watching Tangled series instead of Cinderella. But you are being stubborn and won't coincide."

"Coincide..." ulit na naman ni Dani na ikinatawa na ni Kaki. Nang makabawi sa pagkamangha ay napa-tapik si Dani sa noo. "Diyos ko, 'yang nanay ninyo. Bakit malalalim na English na kaagad ang itinuturo sa inyo? You're only seven, but you speak like adult!"

Humalukipkip si Vivienne at inismiran ang kakambal; totally ignoring what her Ninang Dani just said. Si Lucio naman ay nagkibit-balikat lang at ibinalik ang pansin sa TV. Sesame Street was on the screen.

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon