CHAPTER 011 - Not Gonna Fall For His Charm

1.9K 74 16
                                    




NATAHIMIK ANG BUONG PALIGID SA BIGLANG PANGYAYARI. Sa nanlalaking mga mata ay tinakpan niya ang bibig at sinuyod ng tingin ang mukha ng kaharap na napuno ng laway niya. Subalit sandali lang na kumalma ang pakiramdam niya, dahil makaraan ang ilang segundo ay muli siyang humatsing. Sunud-sunod, walang tigil.

Ang mga estudyante sa paligid ay malakas na nagtawanan nang makita ang nangyari. Naramdaman niya ang pag-atras ni Kaki sa kaniyang likuran, at doon din siya napa-atras upang ilayo ang sarili sa kaharap.

Si Ryu ay gulat na napatitig sa kaniya. Ang ngisi sa mga labi ay nawala.

"Luna, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" tanong ni Kaki nang maliban sa pag-hatsing ay naubo na rin siya.

Si Dani na nagising sa pagkamangha ay maagap na inabot ang bote niya ng mineral water, binuksan, saka inabot sa kaniya.

She shook her head to decline. Hindi tubig ang kailangan niya sa mga sandaling iyon.

Mariin niyang pinisil ang ilong upang kahit papaano ay pigilan ang pangangati. Ilang beses siyang tumikhim upang kahit papaano ay pigilan ang pag-ubo. Nang sa wakas ay tumigil ang mga sintomas ay nilingon niya ang mga kaibigan, at sa paos na tinig ay,

"We need to get back to our room."

"Why, what's going on?" Kaki asked.

"I need to take my allergy tablet." Muli niyang tinapunan ng masamang tingin si Ryu na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makakilos sa labis na pagkabigla. "I'm allergic to fur, most especially kung galing sa pusa."

Sa sinabi niya ay doon pa lang nagising sa pagkagulat ang lalaki. Napatuwid ito saka niyuko ang sarili. Nang makita nito ang mga balahibo ng pusa sa suot na topcoat ay saka nito napagtanto kung ano ang nangyari.

"Oh, damn. I should have known."

Her eyes narrowed in annoyance. "I won't apologize for what happened. After All, ikaw ang lumapit dahilan kaya na-trigger ang allergy ko."

Itinaas ni Ryu ang mukha at muli siyang nginisihan. "Why would I need an apology? This feels like you kissed my whole face."

"Eww. Not only are you a perv and a troublemaker, you're also as gross as crap!" Nag-akma na siyang aalis nang muling nagsalita ang lalaki,

"You could at least offer me your handkerchief. That way, quits na tayo."

She just sneered and began to walk away. Sa unahan, doon malapit sa pinto, ay naka-upo sa dalawang foldable chairs sina Marco at Raven Worthwench, nakamasid sa kanila. Si Blaze Panther ay nasa labas ng pinto at nagsindi ng sigarilyo na lihim niyang ikina-ngiwi. Ang mga Engineering students na nabugbog ay nasa sahig pa rin at namimilipit sa sakit ng katawan.

Inalis niya ang mga daliring ipinisil sa ilong upang humugot nang malalim na paghinga. Nangangati pa rin ang lalamunan niya at ilong, pero kaya na niyang kontrolin kahit papano. Nonetheless, she still needed to take her allergy med.

Habang naglalakad patungo sa pinto ay nilingon niya ang mga kaibigan upang siguraduhing nakasunod ang mga ito, subalit nahinto siya nang makitang nanatiling nakatayo ang dalawa sa harap ni Ryu.

Dani's eyes were wide in shock, while Kaki gaped at the man with amusement in her eyes.

"Dani and Kaki, come on!"

Subalit hindi siya pinansin ng mga ito.

Si Ryu naman ay nakangising nakasunod ang tingin sa kaniya. She ignored him and called out for her friends again. Pero imbes na lingunin siya nina Dani at Kaki ay nabaling naman ang tingin ng mga ito kay Seann Ventura na lumapit kay Ryu upang abutan ng panyo.

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon