HINDI MAGKANDARAPA si Luna nang marating ang locker room pagpasok sa main building ng high school department. Ang locker room ang pinaka-unang silid na dadaanan sa hallway patungo sa mga classrooms sa first floor. Katabi iyon ng lobby kung saan may information desk.
Hinanap ng dalaga ang nakatalagang locker. Hers was locker #247. Nahanap niya iyon sa bandang dulo malapit sa malaking bintana; kaagad niyang ini-suksok ang susi sa keyhole at binuksan. She then took her white indoor shoes out and placed them on the floor. Madali niyang hinubad ang itim na outdoor shoes na suot; they were soaking wet. Buti na lang at required ang indoor shoes sa high school department tulad ng mga paaralan sa ibang bansa; isa ito sa mga dahilan kung bakit natatangi ang CSC sa lahat ng paaralan sa rehiyon nila.
Buti na lang at may pamalit siya, at isa ito sa mga dahilan kung bakit wala siyang pakialam kung mabasa ng tubig ang medyas at sapatos niya.
Well, her only concern was that she needed to remove her socks. Pero 'di bale na. Okay lang na magmukha siyang jologs, ang importante'y makapasok pa rin.
Matapos niyang magpalit ng sapatos ay muli niyang sinukbit ang bag bago inisuksok papasok sa locker ang basang pares ng outdoor shoes niya. She hurriedly closed the locker and turned towards the door when suddenly, a man emerged and walked to her direction. At nahinto siya dahil namangha siya sa tangkad ng lalaking palapit.
Alam niyang high school student lang din ito tulad niya base na rin sa suot nitong uniporme, pero dahil sa tangkad nito at laki ng katawan ay mapagkakamalan itong hindi estudyante. And he was looking down to his white polo shirt because it was soaking wet, just like her skirt.
Nang may maisip ay napasinghap siya. At nang marinig ng lalaki ang pagsinghap niya'y nag-angat ito ng tingin at nahinto nang makita siya. Sigurado siyang hindi nito inasahan na sa mga oras na iyon ay may estudyante pang naroon.
Mabilisan niyang sinuyod ng tingin ang mukha ng lalaking kaharap. He was standing just a few feet away from her and she had a clear view of his cute face. Yes. The guy was cute. His hair was clean cut, his eyes were the lightest brown, and his skin was fair. Typical mestizo.
Kung paano niya itong sinuyod ng tingin ay ganoon din ito. But the guy's face remained emotionless as he gazed at her. Ilang sandali pa'y itinuloy nito ang paghakbang at huminto sa harapan niya. She swallowed hard; unable to say a single word. Nakaramdam siya ng hiya lalo't alam niyang hindi siya mukhang presentable sa mga sandaling iyon. Para siyang basang sisiw na nakasilong saglit.
Magkaganoon man ay hindi rin niya maalis ang tingin dito, at hindi rin niya magawang ibabaw ang tingin.
She bravely met his gaze, hanggang sa mangalay ang batok niya sa pagkakatingala kaya sumuko siya at nagbaba ng tingin.
Sa mga sandaling iyon ay biglang tumagilid ang lalaki upang buksan ang locker sa tabi ng kaniya. His was locker #248.
She cleared her throat and let out an awkward smile. "K-Kararating mo lang din ba?"
Tinanong niya iyon dahil ang kinuha ng lalaki mula sa locker nito ay ang indoor shoes. At kung basa ito ng ulan, ibig sabihin ay sa labas din ito galing.
"No, I came early. Ang kaso ay sa gymnasium ako dumiretso kanina at dahil sa malamig na panahon ay naka-idlip ako. I ran and soaked in the rain when I realized that I was late for my first class." Inilapag nito ang indoor shoes sa sahig at hinubad ang itim na outdoor shoes. "I guess we have the same fate?"
Tumango siya. At para siyang loka na pinanood ang pagpapalit nito ng sapatos.
Hindi ba dapat ay pumunta na siya sa classroom niya? Bakit na naman siya nagsasayang ng oras? Why was she easily distracted? At bakit sa lalaki na naman?
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
RomanceBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...