"Kanina ko pa pansin 'yang panunulis ng nguso mo, ate."Mula sa pagbabalat ng patatas ay nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sinabi ng ina. It was Saturday morning and she was back home to spend the weekend with her family. Nasa kusina sila ng ina sa mga sandaling iyon at naghahanda ng tanghalian.
Ang mommy niya ay nakayuko sa nilulutong sabaw; hinahalo nito iyon upang umilalim ang mga karne. "May problema ba sa school? Are you having a hard time? Kagabi sa hapunan ay ganiyan ka rin. Nakatulala ka lang sa mesa."
Umiling siya at ibinalik ang pansin sa pagbabalat ng patatas. Nang makitang hindi lang balat ang natuklap mula sa pagpi-peel niya roon ay napabuntong-hininga siya at binitiwan ang hawak. She stood up, went to the sink and washed her hands.
"Hindi talaga ako pang-kitchen, mommy."
Her mom chuckled and turned to her. "Kaya nga kita pinapatulong para masanay ka, 'di ba? I could handle all the cooking without any help, but I wanted you to learn how to cook so I asked you to be here. Pagbabalat pa nga lang ng carrots, eh." Lumapit ito at masuyo siyang dinama sa pisngi. "Tell me, sweetheart. Ano ang problema?"
Umiling siya at pinatay ang gripo. Humugot siya ng kitchen tissue at ipinunas iyon sa kamay bago paiwas na bumalik sa table upang ituloy ang ginagawa. Nag-umpisa siyang hiwain ng malalaking cubes ang patatas.
"You're not going to tell me?" sabi pa ng mommy niya na sumunod sa table. Tumayo ito sa kabilang bahagi paharap sa kaniya.
"It's nothing, mom. Napapaisip lang ako kung papaano ko sasagutan ang napaka-hirap kong homework."
"Well, if you need help, I could help. Pasasaan ba't naging teacher ako?"
"Thanks, mom. Pero gusto kong i-challenge ang sarili ko kaya sasagutan ko 'yon nang ako lang."
"Kuuu. Parehong-pareho kayo ng kapatid mo." Binalikan na ng mommy niya ang niluluto at muling hinalo. "Well, bilisan mo na ang paghiwa niyang patatas dahil maya-maya'y narito na ang daddy mo't si Brandon. In-imbitahan ng daddy mo ang piano teacher ni Brandon para dito na mananghalian."
Napatingin siya sa mga ulam na nakasalang sa over. Doon niya napagtanto kung bakit kay rami ng inihanda ng mommy niya sa araw na iyon. Itinuloy niya ang paghiwa ng patatas at muling nanahimik. Hindi niya maintindihan, pero kahapon matapos nilang mag-usap ng Ryu Donovan na iyon sa parking space ng CSC ay hindi na ito nawala sa isip niya. Well, it wasn't really him that she was thinking about. It was the thing he said.
About that thing he called serendipity.
There is no such thing, she thought. Ang lahat ng bagay ay nangyayari dahil ang tao mismo ang pumipili at nagdedesisyon kung papaano patatakbuhin ang buhay nila. Nothing happens just because. So there is no fate and no coincidence. And definitely no serendipity.
Pero ano ba talaga ang alam niya tungkol sa serendipity? Sapat ba ang kaalaman niya tungkol sa bagay na iyon para sabihin niyang hindi totoo? Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Ryu? Na ang madalas na pagku-krus ng landas nila ay sanhi ng hindi maipaliwanag na pangyayari na tanging ang uniberso lamang ang may likha?
"Damn it," bulong niya sa sarili. "Kung ano-ano na rin tuloy ang iniisip ko ngayon."
"What did you say, hon?"
Napatuwid siya nang marinig ang ina. Umangat ang tingin niya rito. "Huh?"
"Narinig kong may sinabi ka." Kumuha ito ng kutsara sa drawer at inilubog sa sabaw upang kumuha nang kaunti at matikman. Sinulyapan siya nito. "You were mumbling."
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
RomanceBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...