CHAPTER 001 - That One, Rainy Morning...

5.7K 110 38
                                    


FOURTEEN YEARS AGO...

SHE RAN LIKE THERE WAS NO TOMORROW. Wala na rin siyang pakialam kung magtalsikan ang tubig ulan sa mga binti niya, tutal ay basang-basa na rin naman ang mga sapatos at medyas niya.

Kipkip niya sa isang braso ang school bag samantalang ang isang kamay ay nakahawak naman nang mahigpit sa payong. Kailangan niyang magmadali upang maka-abot sa unang subject.

Simula kagabi ay masama na ang panahon at inaasahan na niya ito, kaya nagsuot siya ng makapal na jacket panangga sa lamig.

Unang araw ng pasok sa school at mukhang male-late pa siya.

Damn the weather.

Dahil sa sama ng panahon ay hindi kaagad siya nakaalis sa apartment; bumabaha sa harap ng kalsada dahil sa baradong drainage at hindi niya gustong lumusong doon. Mamaya pag-uwi ay kakausapin niya ang landlady; kailangan nitong ipaayos ang drainage na iyon para hindi na maulit ang nangyari sa umagang ito.

Kung alam lang nila ng mommy niya na ganoon ang nangyayari sa lugar na iyon tuwing may ulan ay hindi sana nila napiling okupahin iyon.

Mula primary hanggang middle school ay hindi pa siya na-late, ngayon pa talaga? Magbibigay iyon ng hindi magandang impresyon sa mga bago niyang ka-klase. Hahayaan ba niyang mangyari iyon?

Not in this life!

With that in mind, she fastened her steps. Siya na lang ang natatanging estudyanteng naroon sa daan patungo sa school sa mga oras na iyon at hindi niya mapigilang ma-pressure. Mukhang siya na lang ang natitirang hindi pa nakararating sa klase!

This can't be happening! Damn the weather!

Kanina pa niya sinisisi ang masamang lagay ng panahon dahil wala siyang ibang mapagbuntungan ng inis.

Sinulyapan niya ang oras sa relos. Five minutes past eight.

Lalo siyang nataranta.

Alas-otso ang umpisa ng klase nila sa umaga, ibig sabihin ay huli na siya!

She ran faster, umasang kahit papaano ay abutan niya ang first class; kahit ang kalahati man lang.

Makalipas ang ilang minutong lakad-takbo ay natanaw na niya ang malaking gate ng unibersidad, at doon ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Mahigpit niyang kinipkip sa braso ang bag saka mabilis na tumakbo patungo roon. Okay lang na ma-basa ang sapatos at medyas niya pati ang ibabang bahagi ng palda niya dahil sa nagtalsikang tubig, ang importante sa kaniya ay makarating sa unang klase sa malao't madali.

Tuluy-tuloy siya sa pagtakbo hanggang sa marating niya ang entrance gate. Nakabukas pa rin iyon, ang guard house na nasa gilid ng malaking gate ay bakante.

She would assume that the guard must have left for a while to maybe get a cup of coffee or take a short restroom break.

Gah. Why did it even matter?

Hindi na mahalaga kung bakit walang bantay sa nakabukas na gate; ang mahalaga ay nakarating na siya! She was halfway to her first class!

Hinihingal na saglit siyang tumigil at tiningnan ang mataas na building ng high school department sa hindi kalayuan. Mula sa gate hanggang sa HS building ay nasa mahigit-kumulang pitumpong metro ang pagitan. Ang facade ay malawak na field at ang main path ay kasing-lapad ng kalsada sa bayan.

Oh, she could not believe she was finally here, standing right in front of the institution she had been dreaming to be part of for so long.

Napangiti siya sa pagkamangha.

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon