CHAPTER 018 - Oddly Empty

1.7K 57 10
                                    




IT WAS LUNCH TIME, at nagyaya si Dani kina Luna at Kaki na pumunta sa cafeteria para doon kumain.

She didn't want to go, but didn't have lunch prepared for the day either. Dahil tinanghali siya ng gising ay na-gahol siya sa oras at hindi na nagawang maghanda pa ng baon para sa araw na iyon. At ayaw naman niyang mag-utos sa mga itong bilhan na lang siya ng pagkain, kaya napilitan siyang sumama kahit pa alam na niya kung ano ang naghihintay sa kaniya roon.

Pagdating sa cafeteria ay tinginan ang mga estudyante sa kanila, tulad ng inasahan na niya. Akma na silang pipila sa line ng counter nang biglang sumulpot si Seann Ventura sa harap nila.

"Hello, ladies."

Seann Ventura's smile brightened the room. At kung hindi lang ito miyembro ng Alexandros ay alam niyang magugutuhan niya ito bilang kaibigan. He seemed like a genuine person with a bright personality; sino ang hindi gugustuhing maging kaibigan ito?

"Oh, hello, Mr.Ventura!" nagniningning ang mga mata na sagot ni Dani.

"Isa na naman ito sa mga araw na himalang dinalaw ni Miss Luna ang cafeteria, ano?"

Hindi siya sumagot at nagkunwaring walang narinig.

"Oh, why so serious, Miss Luna?"

            Huminga siya nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mata, trying her best to control her annoyance.

"Woke up in the wrong side of the bed?" tinig naman ni Marco ang sunod na narinig niya.

She gritted her teeth before opening her eyes. Nakita niya ang dalawang nakatayo sa harapan niya; tila Twin Tower sa tangkad.. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga bago seryosong nagsalita,  "Pwede niyo bang i-schedule ang araw ng pag-sira niyo sa mood ko? For an instance— MWF, bigyan niyo ako ng katahimikan.  At TTH ay saka niyo ako buwisitin. I'm just tired of seeing you guys everyday. Give me space, okay?"

            Kinunutan ng noo sina Marco at Seann; natigilan. At marahil ay nahimigan ng mga ito sa tinig niya ang pagod at pagpapasensya kaya tumango ang mga ito at umatras.

            "We just came here to accompany the girl from the accounting department because the guys who were causing her trouble were here. Nakapila siya sa likuran ninyo, at lumabas na ang mga lalaking nambubully sa kaniya. We were about to leave, too, when we saw you," si Marco na pinong ngumiti. "We are leaving now, so don't worry. Have a great day, Miss Luna."

Nakahinga siya nang maluwag nang umalis na rin ang mga ito. Sina Kaki at Dani ay tahimik lang at hindi na nagsalita hanggang sa maka-order na sila at makaupo sa isang table.

Habang kumakain ay nag-usap silang tatlo tungkol sa unang basketball game sa pagitan ng Junior at Senior High sa Biyernes ng hapon. They were staying back to watch. Iyon ang unang beses na makikita niya sa seryosong laro si Stefan kaya hindi niya iyon palalampasin.

            Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay anong gulat nilang tatlo nang may lumapit sa mesa at naupo sa tabi niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay ang mukha ni Ryu Donovan ang nakita niya, at bago pa man siya maka-apuhap ng sasabihin ay itinaas na nito ang kamay at dinala ang palad sa kaniyang noo.

Malakas siyang napasinghap.

            "Are you sick or something?" tanong nito, nasa tinig ang pag-aalala. "Marco and Seann told me you seemed off today."

Sandali lang siyang natigilan, at nang matauhan ay tinabig niya ang kamay ni Ryu saka tinapunan ito ng masamang tingin, "Sinabi ko sa mga alagad mong tantanan ako kahit ngayong araw lang. I need space!"

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon