"Saan ba nawaglit 'yon? Bakit ka ba kasi biglang tumakbo papunta roon? Akala ko pa naman mabait at behaved ka?"
Ang tuta niya ay nanatili lang nakahiga at nakatingala sa kaniya; ang mga mata'y tila nagpapaawa.
They lost the dog tag. Hindi pa umaabot ng isang oras ay nawala na. At kung ang pagbabasehan niya ay ang itsura ng collar, mukhang humiwalay iyon sa steel dahil hindi nai-lock nang maayos ng gumawa. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at nakangusong sinulyapan ang bagong alaga na nakahirap sa rug. She let out a deep sigh before getting down on her knees and took her pup into her arms. "Don't be sad now, magpapagawa na lang ulit tayo ng bago. Bukas pag-uwi ko ay dala ko na."
Umungol ang tuta at ini-kiskis ang mukha sa braso niya. She smiled and rubbed the top of its head. She was happy. Excited to be a furr mom. May aso sila sa bahay nila; pero matanda na at hindi na gaanong nakikipaglaro. Masaya siyang iyon ang iniregalo sa kaniya ng mga ka-klase. Katunayan, hindi niya inasahang makatatanggap siya ng regalo!
"I'll prepare your bed, pero bago iyon ay kailangan mo munang maligo. Let's go to the bathroom and I'll wash you up."
Pero bago pa man siya makatayo ay naramdaman niya bigla ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng kaniyang palda. Sandali niyang inilapag ang alaga saka dinukot ang cellphone. Naramdaman niya ang pamilyar na papel sa bulsa, pero binalewala niya iyon. She took her phone out and checked the screen.
It was Stefan's number.
Mabilis niya iyong sinagot. "Hey, how is your sister?"
"She's fine now. Nagkaroon lang siya ng kaunting pilay pero makalalabas na bukas ng umaga. I just called to check if you got home safely."
That touched her. Ngumiti siya at ini-sandal ang likod sa kama. "Yes, kauuwi ko lang din. Dumaan ako sa pet shop para ibili ng mga gamit si D.Van." Nang masabi niya ang pangalan ng alaga ay hindi niya alam kung ngingiwi o matatawa. Hindi pa siya sanay.
"Seryoso ka ba talagang iyan ang pangalan na ibibigay mo sa bago mong alaga?"
She giggled and said, "It's final. And I actually got him a dog tag with that name. Kaso ay nawala namin nang pauwi na kami. I'll get him a new one."
"I see." Sandaling natahimik si Stefan sa kabilang linya.
At habang hinihintay niya ang sunod na sasabihin nito'y sinulyapan niya ang alaga na ngayon ay umiikot sa buo niyang silid, tila kinakabisado ang bawat sulok.
"Akala ko ay titigilan ka na niya. Sa nakalipas na apat na linggo ay hindi siya nagparamdam sa 'yo."
Ibinalik niya ang pansin kay Stefan. May kakaiba sa tinig nito na hindi niya maipaliwanag.
"But then, this morning, he sent someone to bring you that origami, and I knew the game was not over."
Napabuntonghininga siya. "There is something I want to tell you, Stefan, na sana ay hindi mo mabanggit kapag nariyan sina Kaki at Dani. I just don't want them to know."
Sa banayad na paraan ay sinabi niya rito ang tungkol sa biglang pagpunta ni Ryu Donovan sa bahay nila kasama si Blaze Panther, ang naging pag-uusap nito at ng daddy niya, at ang dahilan kung bakit sa loob ng apat na linggo ay hindi nagparamdam si Ryu Donovan.
Matapos niyang magkwento ay narinig niya ang pigik na tawa ni Stefan. "So, nagpahinga lang siya sa kahilingan ng daddy mo. I have to give it to him; marunong pala siyang sumunod sa matatanda."
"That explains why my school life was quiet these past few weeks. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para patigilan siya sa kalokohan niya."
"Do you still think he's just playing around?"
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
RomansaBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...