CHAPTER 013 - The Chemistry

1.9K 63 5
                                    




MALAPIT NA ANG SPORT FEST AT NAGPATAWAG NG MEETING ANG PRESIDENT NG SPORTS CLUB upang umpisahan ang paghahanda. Nagulat pa sina Stefan at Paul nang makita si Luna roon; they never expected her to be there, and Stefan had no idea she registered for the club.

Maliban sa kanila ay may dalawang babaeng kaklase pa si Luna na sumali sa sports club, but they were on the chess team. Si Luna lang ang sumali para sa volleyball team kasama ang ibang galing sa ibang sections. Sina Stefan at Paul ay sa basketball team sumali as expected.

Matapos ang mahigit dalawang oras na pagpupulong ay isa-isa nang lumabas ang mga miyembro ng club. Stefan was the representative of the basketball team for junior high, siya naman ang napiling maging representative ng volleyball team para sa batch nila. Each sport has one member to represent the whole team every meeting. And that thrilled Luna-- dahil ang ibig sabihin niyon ay lagi silang magkakasama ni Stefan sa tuwing may pagpupulong sa club.

"Hey, sabay na tayong bumalik sa room."

Nahihiya siyang lumingon nang marinig ang sinabi ni Stefan. Palabas na rin sana siya ng silid  kasunod ang dalawa pang mga ka-klaseng babae nang marinig ang pagtawag ng binata.

Si Stefan na katatapos lang kausapin ang represensative ng senior high basketball team ay lumapit sa kaniya.

Napatingala siya rito.

"I wanna ask you something." Banayad siya nitong hinawakan sa siko at ini-giya palabas. Paglabas ay saka ito bumitiw at inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na slacks. Naglakad sila sa hallway palabas ng Student Council building kung saan naroon ang silid ng bawat school clubs nang magsalitang muli si Stefan. "I didn't know you have interest in sports. I was expecting you to join the school paper club or the debate club. Not this."

Pilit siyang natawa kahit na sumasakit na ang dibdib sa lakas ng pagdagundong niyon. "Do I really look like a geek for y'all to say that? Karamihan sa mga ka-klase natin ay ganiyan din ang sinabi."

"Dahil alam naming ilang beses ka nang nanalo sa mga debate contests noong middle school. And yes, you are one of the smartest in our class. I just wondered kung bakit mo tinatago ang talino mo; you were obviously trying to be lowkey."

"What made you say that?"

"Sa tuwing may exams ay ikaw ang nauunang natatapos sumagot sa test papers. Sa tuwing may tanong ang mga guro ay lagi kang nag-a-akmang magtataas ng kamay para sumagot pero kapag nakikita mong walang ibang nagtataas ng kamay maliban sa kaibigan mong si Karina ay nagpapaubaya ka. I don't know what to make of you, but that took my interest."

Nahinto siya at napatingala rito.

Huminto rin si Stefan at nilingon siya. Nang makita nitong natigilan siya'y napangiti ito. "Sorry, nasa likuran ako kaya nakikita ko ang lahat. Sa Economics at Physics lang ako natutulog, pero gising ako sa ibang subjects at iyon ang napapansin ko sa 'yo."

She grimaced and looked away. "I just... didn't want to compete with Kaki. I want her to stand out. Kailangan niya ang scholarship sa college."

"That's a selfless act. Hindi ko akalaing ganiyan ka ka-bait."

"Oh, no. Please don't patronize me, hindi ako kasing bait ng akala mo. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng malapit na mga kaibigan, at ganito ko gustong ipakita ang suporta ko sa kanila."

"You never had friends before?"

Umiling siya. "Sa academy kung saan ako nagtapos ng middle school, ang mga kaklase ko ay walang ginawa kung hindi makipag-kompetensya sa akin. They treated me as someone they needed to vanquish, and for that reason, I never really had friends. Besides, mga teachers and coaches ang kasa-kasama ko after class para mag-train dahil lagi akong inisasali sa mga school activities at regional contests. I never had a chance to mingle with other students. Ang nakababatang kapatid ko lang ang naging kaibigan ko. So, when I finished middle school, I persuaded my parents to allow me to transfer."

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon