CHAPTER 015 - Paper Plane

2.1K 65 4
                                    


"MOVIE DATE WITH STEFAN TOMORROW?" sabay na bulalas nina Kaki at Dani nang sabihin niya sa mga ito ang plano niya kinabukasan. It's been three days since Stefan had asked her out, at ngayon lang niya sinabi sa dalawa.

"Oh my God, ang ingay ninyo," suway niya sa mga ito bago lumingon upang tingnan kung narinig ni Stefan ang pagbulalas ng dalawa. But like what she expected, Stefan had his head on the table, soundly sleeping again. Unang klase nila iyon sa umaga nang lumabas ang teacher dahil sa biglaang general meeting. Umusog si Dani sa harapan niya upang itanong kung uuwi siya sa hapong iyon dahil kaarawan daw ng ina nito kinabukasan at nais silang imbitahan ni Kaki.

Doon na niya sinabi sa dalawa ang plano para bukas, at hindi napigil ng mga ito ang pagbulalas.

"Wait, what?" ani Dani makaraan ang ilang sandali. Dumukwang ito sa desk niya upang pabulong na magtanong. "How? When? Why?"

"Gosh, do I really need to hand you all the details?"

"Nanggugulat ka kasi, eh!" ani Dani.

"At nakapagtataka," sabi naman ni Kaki sabay ayos ng salaming bahagyang tumagilid sa pagkagulat. "Sa nakalipas na halos tatlong buwan simula nang mag-umpisa ang klase– maliban noong unang linggo– ay hindi ka naman binigyang-pansin ni Stefan. He showed no interest, he was neutral. Tapos ngayon ay magyayayang mag-date?"

"Hindi ni'yo lang nakikita, pero tinatanguan niya ako o ningingitian sa tuwing magkakasalubong kami."

"But that doesn't mean anything. Ni wala siyang pahiwatig nitong nakaraang mga buwan. At sa dami ng mga girls na may gusto sa kaniya rito sa classroom at sa iba pang sections, bakit ikaw ang niyaya niyang mag-date?"

"Why not?" Gusto niyang mainsulto sa mga sinasabi ni Dani. Ganoong-ganoon din ang opinyon nito noong napag-alamang si Ryu Donovan ang nagpapadala ng mga letters at rosas sa kaniya. "Nagtataka ka dahil maganda lang ako pero kulang sa appeal– 'yan na naman ba ang sasabihin mo?"

Umikot paitaas ang mga mata ni Dani saka muling sumandal sa upuan nito. "Don't get me wrong, Luna. I just don't understand it. Hindi ko maintindihan kung bakit nahuhumaling sa 'yo hindi lang ang college hotshot kung hindi pati na rin ang hottie ng high school department na si Stefan Burgos. At biglaan, ha? Nakisabay pa sa panliligaw phase ni College Hotshot. At kahit anong isip ko ay hindi ko maintindihan kung ano ang nakikita nila sa 'yo. Kung tutuusin ay mas maganda si Mecca." Nilingon ni Dani ang ka-klase nila at muse ng basketball team na si Mecca na naka-upo sa unahan at nakikipag-usap sa iba pa nilang mga ka-klase.

Sumunod ang tingin nila ni Kaki roon.

Totoo ang sinasabi ni Dani; Mecca was probably the prettiest in the whole junior high department. Mecca's father was British and her mother was half Korean. She had long, straight hair and beautiful almond eyes. Maliban pa sa maganda ay ang lakas ng appeal nito. And to top it all, Mecca was humble and kind.

Ibinalik ni Dani ang tingin sa kaniya. "At lagi kong sinasabi ito; you are pretty. But your prettiness is almost too boring. Tahimik ka lang din at hindi pansinin. So, it makes me wonder kung ano ang nakikita sa 'yo ng mga lalaking iyon na hindi makita ng kabaklaan ko?"

Si Kaki ay napabungisngis at nagsalita rin. "Come on, Dani. H'wag mo nang pairalin ang inggit mo. At kusa na ring lumabas sa bibig mo ang dahilan kung bakit. There is something about Luna na hindi makita ng kabaklaan mo pero kitang-kita nina College Hotshot at ni Stefan, so let it be."

"Hindi ako naiinggit, talagang nagtataka lang ako." Muli itong nangalumbaba sa desk niya. "Alam ni Stefan na dini-diskartehan ka ni Ryu Donovan, hindi ba?"

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon