BAHAGYA NA NIYANG NARINIG ang pagsinghap ni Dani nang makita ang lalaking bumati sa kaniya. Si Kaki naman ay lumuwag ang pagkakahawak sa braso niya.In your face! she wanted to say. Pero kaagad na nawala sa isip ang mga salitang iyon nang makita ang isa sa mga Engineering students na lumapit sa lalaki at inundayan ito ng suntok. Subalit bago pa man tumama ang kamao nito ay maagap na itinaas ng lalaki ang isang kamay at dinakma ang kamao ng umatakeng estudyante.
Kung tutuusin ay kapareho lang ng tangkad ang dalawa, pero sa isang tingin ay makikita kung sino ang lamang sa pagitan ng mga ito.
The Umbrella Man caught the other guy's knuckle while his eyes were still locked on hers. It was as if he knew what was coming, as if he had already prepared himself for that.
May isa pang sumugod dito, at doon tila naging mabagal ang pag-ikot ang mundo. Tila siya nanonood ng isang makalumang pelikula na black and white ang screen at naka-slow motion. Kitang-kita niya kung paanong pinihit ng lalaki ang hawak na kamao ng Engineering student dahilan kaya awtomatikong umikot ang katawan nito. Kasunod niyon ang pag-tagilid ng lalaki at ang pagpakawala nito ng sidekick sa tiyan ng isa pang lumapit, dahilan kaya tumalsik ito sa kasama.
Humiyaw ang lalaking hawak-hawak ni Umbrella Man nang muling pihitin ng huli ang kamay nito. Upang tulungan ang kasama ay sumugod ang dalawa pa, at doon lang humiwalay ang mga mata ng lalaki sa kaniya.
The Umbrella Man fought two guys while holding the other guy's fist. His kicks were flawless, at halos hindi man lang dumapo ang kamay ng dalawang huling sumugod dito.
Sa isang kisap-mata'y napa-atras ang dalawang huling sumugod, sapo-sapo ang mga tinamaang tiyan. At hindi kaagad nakakilos ang mga ito nang pabalyang itinulak ni Umbrella Man ang isa pang hawak nito. Sinalo ng dalawa ang kasamang namimilipit sa sakit ng kamay.
"Should we help him?" narinig niyang tanong ni Raven Worthwench kay Marco.
"Nah," sagot ni Marco. "He got this."
Naguguluhang ibinalik niya ang tingin sa Alexandros. Ang pansin ng mga ito'y nasa mga nagkakagulo, pawang mga nakangisi. Sina Grand Falcon, Kane Madrigal, at Jet Yuroshi ay humila na ng upuan sa katabing bakanteng mesa at balewalang nanood.
Nagtaka siya sa reaksyon ng mga ito. Somehow, she expected them to help the guy— kahit pa wala rin siyang pakialam sa manyak na singkit na 'yon. Pero anong pagtataka niya nang makitang walang interes ang mga itong makisali, when in fact, it was them who was originally and supposedly the target.
"Luna..." Si Kaki na muling humawak sa braso niya. Ramdam niya ang panginginig ng boses nito. "W-We should go now. Baka magka-riot pa rito at maipit tayo."
"Y-You're right, pero saan tayo dadaan? They blocked the entrance and exit door."
"May daan sa likod ng kitchen," sagot pa ni Kaki.
Tumango siya at sinulyapan si Dani na nanlalaki ang mga matang nanonood sa mga nagkakagulo. Dani was... in shock.
"Hey, we should go now," yaya niya rito.
Subalit si Dani ay tila walang narinig. Nasa anyo nito ang pagkamangha at pagkagulat.
Akma niya itong lalapitan ay kakalabitin nang makarinig siya ng malakas na kalampag sa hindi kalayuan. Kaagad siyang lumingon at nakita si Veloso na nakadapa sa mesa ilang dipa mula sa kanila. He was knocked out.
Ibinalik niya ang pansin sa mga nagkakagulo, at anong pagkamangha niya nang makitang sabay-sabay nang sinugod ng mga Engineering students si Umbrella Man. Pero lalo siyang namangha nang makitang isa-isa ring pinatutumba ng lalaki ang mga kalaban— as if it was just an easy job for him. Like a giant stepping on bugs. At nakikipagsagupaan ito nang may ngisi sa mga labi.
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
RomanceBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...