The origami lotus with Shakespeare's line continued to arrive every morning in the next two weeks. Sa tuwing papasok si Luna at dumarating sa umaga ay naroon na ang origami sa ibabaw ng desk, naghihintay sa pagdating niya. Wala sa mga ka-klase niya ang nagsasabi kung sino ang naglalagay roon dahil wala pa mang tao sa classroom ay naroon na iyon.And Luna could do nothing but heave a heavy sigh.
Ganoon din ang pagkain tuwing lunch, naging araw-araw na ang dating. Kapag hindi siya kumakain sa cafeteria ay ipinahahatid iyon ni Ryu sa ibang mga estudyante sa classroom nila, at kapag nasa canteen naman siya ay ipinahahatid iyon ng walang'ya sa table nila.
The group, the Alexandros, would often sit near them while they were eating their lunch at the cafeteria, at si Ryu ay parating nasa pwesto lang nito sa sulok at nakamasid nang may ngisi sa mga labi.
At first, she thought it was creepy. At noong una'y labis siyang naalibadbaran kaya ilang beses niyang itinaboy ang mga ito. But the men would just grin at wink at her, at kadalasan ay matatagpuan na lang niya ang sariling naglalakad palabas ng cafeteria. Hindi rin naman sana niya nais na magtungo roon, but Kaki and Dani were both persistent.
Isang beses ay hindi siya nakatiis at pinuntahan niya ang School Counselor para i-report ang ginagawa ng grupo sa kaniya. But Miss Reni, the School Counselor, just giggled at her complaint and said she should be overwhelmed dahil napapansin siya ng grupo. That pissed her off, at hindi niya napigilang magtaas ng tinig. That triggered Miss Reni, and she was warned not to do it again, otherwise, her parents will be summoned.
Doon niya napatunayan na tunay nga ang sinabi ni Ryu– Miss Reni won't give a damn.
At hindi na niya alam kung saan pa siya lalapit. Hindi siya makapaniwalang ang ganito ka-prestihiyosong paaralan ay pinatatakbo ng mga ganoong uri ng tao.
And she was pissed she wanted to speak to her father about it. Pero natatakot siyang i-pull out siya ng ama kapag sinabi niya rito ang mga pinagdadaanan niya.
She had already made friends. At maliban pa roon ay na-attach na siya sa CSC kahit pa ba tagilid ang patakaran at pamumuno niyon. Kaya kahit mabigat sa loob niya ay pinilit niyang sanayin ang sarili. Pinilit niyang ignorahin na lang ang grupo, ang mga pinadadalang origami at pagkain ni Ryu, at ang masasakit na tingin mula sa mga babaeng gustong mapansin ng Alexandros.
Yes. Ang tingin sa kaniya ngayon ng mga babaeng estudyante sa campus– lalo na ang mga nasa college department– ay kaaway.
Aba, anong malay niya na marami ang nagkakagusto sa Ryu Donovan na iyon?
Well, if she would be honest to herself, that guy– that pervy umbrella man Ryu Donovan– was one hell of a gorgeous man. At hindi nakapagtatakang marami ang nagkakagusto rito.
Oh well, mukhang attracted ang mga kababaihan sa mga gaya nito. 4M.
Malandi, mayabang, manyak, at mainitin ang ulo.
Nakaaawa ang mga babaeng nagkakagusto sa kagayo ng lalaking iyon. They were probably blinded by his physical looks.
At anong malay niya na marami ring mga college girls ang nahuhumaling sa iba pang mga miyembro ng grupo?
Damn it. Marami ang may galit sa kaniya ngayon dahil nagkaroon siya ng koneksyon sa jologs na Alexandros group. At nang dahil sa nangyari sa cafeteria halos isang buwan na ang nakararaan ay naging popular siya sa buong CSC– not in a good way, and not the way she used to be.
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
Storie d'amoreBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...